‘Thanksgiving’ showing na, bida ang ‘Sexiest Man Alive’ na si Patrick Dempsey
MAY bagong serial killer na katatakutan ang moviegoers!
Makikilala siya sa horror thriller film na “Thanksgiving” na mapapanood na ngayon sa mga lokal na sinehan.
Karumal-dumal ang ilang eksena ng pelikula na ginawa sa Plymouth, Massachusetts – isang bayan sa Amerika kung saan nagsimula ang national holiday nila na kung tawagin ay Thanksgiving.
Ang bida sa horror movie ay ang Hollywood star na si Patrick Dempsey, ang binansagang “Sexiext Man Alive” ng American magazine na People ngayong taon.
Baka Bet Mo: Patrick Dempsey naungusan si Chris Evans bilang ‘Sexiest Man Alive’ ngayong 2023
Ang role ni Patrick ay bilang si “Sheriff Newlon” na siyang nag-iimbestiga ng mga kakilakilabot na pagpatay sa kanyang bayan.
Ayon sa sikat na aktor, may dalawang rason kaya siya naki-join sa bagong pelikula.
“My son wanted me to do a horror film, and I wanted to wear a uniform,” sey niya sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures.
Nabanggit din ng binansagang Sexiest Man Alive na nag-enjoy siya sa paggawa ng nasabing pelikula.
“I haven’t done a horror film in a really long time, so for me it’s been really fun,” wika niya.
Tampok din sa “Thanksgiving” film ang Hollywood stars na sina Patrick Dempsey, Addison Rae, Milo Manheim, Jalen Thomas Brooks, Nell Verlaque, Rick Hoffman at Gina Gershon.
Mula naman ito sa direksyon ni Eli Roth, ang American film director and screenwriter na sikat sa mga thriller slasher film gaya ng bago niyang pelikula.
Ilan lamang sa nakilala niyang pelikula ay ang “Cabin Fever” na ipinalabas noong 2002 at ang “Hostel” na ni-release noong 2005.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.