Laila Chikadora inalala ang naranasang pamba-bash bilang DJ: ‘Baboy daw ako hindi ako bagay sa radio station na ‘yan!’
“SHOUTOUT” ang bagong titulo ng programa ni Laila Chikadora sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na napapanood through One PH YouTube channel at napapakinggan sa radyo sa ganap na 8 p.m..
May plano raw sanang ilipat siya ng timeslot kasama si DJ Arnold Rei dela Cruz pero wala pa raw tatao sa timeslot ng 8 to 9:30 kaya mag-“ShoutOut”muna siya.
Kuwento ni Laila nang makatsikahan namin kamakailan, “Niluluto pa (concept) saka wala pa kasing tatao sa timeslot. Shout out na bati o greetings o puwedeng shoutout of calling out or attention of, so kung gusto mong sum-shoutout, we encourage the listeners sa FB live na tumawag sa akin at nagbabato ako ng numero.
“Alam mo ‘yung the old days of radio when the DJ ask you to call, ibinabalik namin iyon, interaction with the listeners. So, puwede kang tumawag at kung medyo kinulang ka sa load, i-PM (private message) ‘yung number at kami ang tatawag.
“Dini-discourage naming i-post nila ‘yung numbers kasi baka ma-scam, kaya PM n’yo mga numbers para kami ang tatawag sa inyo at hindi mabawasan ang mga load ng listeners.
“Puwede ring video call if you’re OFW or (nasa) abroad or kahit nandito sa Philippines, kung confident ka na gusto mong mag-on cam sige. Para kang naka-split screen magkatabi tayo,” aniya.
Baka Bet Mo: Sino nga ba ang tunay na ‘Queen of FM Radio’, si DJ Chacha o si Laila Chikadora?
At dahil nakilala naman na nagko-cover ng showbiz events si DJ Laila ay walang pagbabago kapag naiimbita siya, pero more on news na siya dahil nga panggabi ang “ShoutOut” niya.
Kapag may coverage siya at hindi siya umabot sa studio dahil natrapik o anuman ay mag-streamyard naman siya.
“In the event na nata-traffic ako sinasabi ko na sa kanila (staff sa TRUE FM) para hindi sila mangarag, minsan puwede silang mag-play ng songs at hindi muna io-ON ang FB live kaya may options naman.
“Pero halimbawa nasa out of town coverage ako, ganyan kaya nagpapasalamat ako sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM kasi hindi naman sila masyadong mahigpit naiintindihan nila kapag importante na kailangan kong i-feature o i-cover, they allow me, so, sobrang thankful ako for that,” pahayag ng ShoutOut host.
Nagsimula si Laila bilang DJ sa iba’t ibang radio program at naging traffic news reporter din sa DZBB.
May mga inaaplayan pa na nadurog daw ang puso niya dahil nga sinabihan siya na hindi siya nababagay dahil babae siya at ang pagiging DJ/host sa radyo ay para sa lalaki lang. Inamin nito na marami siyang pagsubok pero hindi siya sumuko hanggang sa pagkatiwalaan siya.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin, Ted Failon, DJ Chacha tuloy ang pag-ariba; TRUE FM waging Best Radio Station sa 11th Makatao Awards
Nagsimula siya sa Love Radio as newscaster hanggang sa naging DJ at lumipat sa MOR 101.9 ng ABS-CBN as Laila Chikadora hanggang sa lumipat na ng Radyo 5 92.3 FM na naging TRUE FM recently na ngayon.
Thirteen years na si Laila sa Radyo 5 at tatlo na lang daw silang pioneer na naroon, sina Sen. Raffy Tulfo at Nanay Cristy Fermin for “Cristy Ferminute.”
Nagpapasalamat si Laila sa dati niyang boss sa DZMM na si Ginoong Peter Musngi dahil pinayagan siyang dalhin ang pangalang Laila Chikadora sa Radyo5 na unang nakilala sa DZMM.
“Thankful, sir Peter shoutout sa ‘yo. Si sir Peter Musngi was the Vice President for radio of ABS-CBN at that time. Nu’ng nag-resign ako, in-interview niya ako bakit ako aalis (hindi kasi regular si Laila sa DZMM).
“Kaya sabi niya, ‘sige kung regular ka ro’n sa TV5 (nag-apply sa news) wala kaming laban, sige na go. Pero nu’ng nasa Love Radio po ako, hindi ako si Laila, ako po si Lala Banderas, ako ‘yung baboy na balahura. Hindi ko nadala si Lala Banderas sa ABS-CBN kasi naka-copyright daw.
“So pagdating ko ng DWRR, I have to start again kaya naging Laila Chikadora at ‘wag ko raw babanggitin na ako si Lala. But ang dami kong bashers at sabi nga nila baboy ako hindi ako bagay sa radio station na ‘yan,” balik-tanaw ni Laila.
Inaming hindi rin nakaganda ang imahe niyang Lala Banderas kasi may mga parang naimpluwensiyahan siya na kapag nakikita siya ay lalapit at magsasabi ng, “Lala, nakababad ba?”
Kaya pagdating niya sa ABS-CBN ay binago niya ang imahe sa loob ng 6 years at nagtagumpay naman siya sa pagkakakilala na bilang Laila Chikadora na nadala nga niya sa Radyo5 TRUE FM.
Sa kasalukuyan ay parati naming nakakasama si Laila sa mga coverage ng entertainment at kinukuha rin namin siyang host sa mga mediacon dahil isa siya sa most requested dahil bukod sa masaya at maraming tsika ay kilala niya ang lahat ng media at vloggers.
Samantala, may handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners. Sisimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga pinagkakatiwalaang radio hosts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.