LA Santos proud mama’s boy: Mas nakakapogi at aminin ko sa inyo mga sweet lover kami’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Maricel Soriano at LA Santos
MATINDI ang paghahandang ginawa ng Kapamilya singer-actor na si LA Santos para sa pelikulang “In His Mother’s Eyes” kasama sina Roderick Paulate at Maricel Soriano.
Talagang pinag-aralan niya nang bonggang-bongga ang kanyang role sa movie bilang binatang may autism na iniwan ng kanyang tunay na ina noong bata pa lamang siya.
Isa sa mga ginawa ni LA ay ang pagbisita at pakikipag-bonding sa mga taong may mental health condition tulad ng karakter niyang si Tim.
“Inalam ko po kung paano yung buhay nila. Inalam ko po kung paano yung utak (pag-iisip) nila.
“Which is for me mas nakita ko kung paano, grabe ka-pure yung puso nila. Mas grabe sila mag-emphatize kaysa sa atin. Kaya doon po ako ka-thankful sa movie na ‘to dahil mas naging aware ako,” pahayag ng aktor.
Napakalaki rin daw ng naitulong sa kanya ng co-star nila sa pelikula na si Ruby Ruiz, “Sa totoo lang po sobrang, sobrang nakatulong kasi Tita Ruby ‘yung tinuro niya lang sa akin naman maging isang totoo na aktor po, na ilalabas ko kung ano ang nasa puso ko talaga.”
Iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ni Tim, ang anak ni Lucy played by Maricel Soriano na na-diagnose ng Asperger’s syndrome. Iiwan ni Lucy ang anak para magtrabaho sa Japan kaya ang mag-aalaga rito ay ang tiyuhin niyang si Bibs na gagampanan ni Roderick Paulate.
Pagkatapos niyang gawin ang “In His Mother’s Eyes” mula sa direksyon ni FM Reyes, ay mas lalo pa raw minahal ni LA ang kanyang nanay. Isa rin daw siyang certified mama’s boy.
“Sobra. ‘Di lang aminado, sobra! Sa totoo lang para sa akin, mas nakakapogi nga ‘yun eh, ‘yung mama’s boy. Kasi po ano aminin ko sa inyo yung mga mama’s boy, ‘yung mga sweet lover.
“’Yan kasi ‘yung pinalaki ng ayos at saka yan po ‘yung tinuruan paano magrespeto ng babae,” aniya pa.
Anong naging feeling niya noong una niyang nakaeksena sina Maricel at Roderick? “Nadala po ako sa kanila. Unang-una, kinabahan ako pero dahil sobrang galing nila, nawala lahat ng kaba ko. As in nadala na ako sa kanila, e.
“Kasi po, lahat ng eksena na ginawa namin, totoo po, e. Hindi na kami umaarte. Kaya nga dun ako sobrang thankful kay Miss Maricel saka kay Tito Roderick dahil dinala din nila ako, e. Hindi nila ako pinabayaan.
“Saka sobrang giving sila as an actor and actress. Na kumbaga, kung sila ang kaeksena mo, lumutang ka talaga po. Talagang ano, lahat ng nakakasama nila, gumagaling talaga,” lahad pa ni LA.
Ano namang masasabi niya sa mga papuri sa kanya nina Marya at Kuya Dick.
“Sobrang thankful po ako dun. Pero kaya po ako nasasabihan ng ganun, kasi nakinig po ako sa kanila.
“Sila din po yung reason kung bakit ako gumaling, lalo na po si Direk FMR. Habang buhay po akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilabas po niya talaga yung meron ako sa loob.
“Kasi yun, hindi lang sa mahirap yung ginagawa ko pong role kundi it’s a very sensitive role po. Kasi siyempre, alam naman po natin.
“Kaya dun po ako thankful, hindi nila ako pinabayaan, e. Parang lahat ng pagkakamali ko, lahat ng mga puwede ko pang i-improve, idinidiretso nila sa akin. Hindi nila ako binobola, e.”
Showing na ang “In His Mother’s Eyes” sa November 29 sa lahat ng sinehan, mula sa 7K Entertainment, at isinulat nina Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio.