Kitang-kita rin na talagang nag-eenjoy ang dalaga sa kanyang ginagawa bilang host kaya love na love na rin siya ng mga Dabarkads all over the universe.
Ayon naman kasi kay Atasha, talagang bata pa lang ay gustung-gusto na niyang pumasok sa showbiz pero kinailangan muna niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa United Kingdom and with honors.
“It’s a fun experience and I’m really happy that people are embracing me now. I hope they continue to embrace me, and I just really want to learn more.
“I’m willing to learn and make mistakes, and I’m just happy that people are very forgiving about it,” ang pahayag ni Atasha sa panayam ng members ng media sa isang event.
Isa sa palaging payo sa kanya ng mga magulang na sina Charlene at Aga sa pagpasok niya sa entertainment industry, “Don’t be scared and to always give it your best.”
Samantala, tungkol naman sa mga nanghihikayat sa kanya na mag-join sa mga beauty pageant lalo na sa Miss Universe, tulad ng kanyang nanay na nag-represent sa Philippines noong 1994.
Sey ni Atasha, “I’m not gonna close my doors. I’m learning this process of being an artista first. I want to develop those skills, but we’ll see where it goes.”
Kasunod nito, pinuri rin ng dalaga si Charlene at inilarawan pa niya itong “beautiful inside and out.”
“I really look up to my mother, she’s someone that I really praise. But as for (beauty pageant), I don’t know yet. We’ll see.
“I just need to master my craft now, with hosting and eventually acting and singing,” aniya pa.
Sa katatapos lang na grand coronation ng Miss Universe 2023 sa El Salvador, umabot ang pambato ng bansa na si Michelle Dee hanggang Top 10 ngunit nalaglag na pagdating sa Top 5.
Ang itinanghal na Miss Universe 2023 ay si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios.