Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby nila ni Rey Soldevilla: ‘Coming Soon in 2024!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yasmien Kurdi, Rey Soldevilla at Ayesha
IBINANDERA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi at ng kanyang asawang si Rey Soldevilla na magkakaroon na sila ng Baby No. 2.
Masayang ibinalita ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang Instagram account na magiging ate na ang kanilang panganay na anak na si Ayesha.
Nagbahagi ng ilang litrato si Yasmien sa kanyang IG mula sa Nice Print Photo kung saan makikita ang aktres na hawak ang resulta ng pregnancy test habang si Rey naman ang nagpakita ng sonogram.
May photo rin si Ayesha kung saan mababasa sa suot niyang damit ang mga salitang “Only Child” na naka-cross out at sa ilalim nito ay may nakalagay ngang “Big Sister”.
Sa isa pang litrato, makikita naman si Rey na may suot na shirt kung saan mababasa ang mga salitang “player 2 joining” na may konek nga sa paglalaro niya ng Playstation games.
Sa damit naman ni Yasmien ay may nakalagay na “Coming Soon in 2024.”
Ang caption naman ng Kapuso actress sa kanyang IG post ay, “We’ve been keeping a little secret for (a while). #YearOfTheEarthDragon – Me (Jan 25, 1989) #MotherDragon. #YearOfTheWaterDragon – #AyeshaZara (Nov 22, 2012).
“Can’t wait to see you next year #MyBabyDragon #NewBlessing #Happy2024 #YearOfTheWoodDragon 2024,” mensahe pa ni Yasmien na nagsabi ring wala pang gender ang ipinagbubuntis niyang sanggol.
Sa isang ulat, nabanggit naman ni Yasmien na takbo pa raw siya nang takbo na naka-heels sa isang eksena niya sa GMA afternoon series na “The Missing Husband” dahil hindi pa niya alam na buntis siya.