Atasha Muhlach naloka nang manalo ng P10k: Akala ko joke ito

Atasha Muhlach naloka nang manalo ng P10k: Akala ko joke ito

Therese Arceo - November 10, 2023 - 10:49 PM

Atasha Muhlach naloka nang manalo ng P10k: Akala ko joke ito

Atasha Muhlach

ALIW na aliw ang netizens sa naging reaksyon ng “E.A.T.” host na si Atasha Muhlach na hindi makapaniwala na nagwagi siya ng sampung libong piso.

Sa isang video na in-upload sa Facebook page ng Legit Dabarkds ay makikita ang reaksyon ng dalaga na hindi makapaniwala sa kanyang napanalunan.

Naglalakad sa loob ng isang kwarto na nakatakip ang bibig dahil nagulat siya nang ianunsyo ang pagkapanalo niya.

“Akala ko joke ito,” saad ni Atasha.

Dagdag pa niya, “Hala, yours na lang. Seriously, thank you.”

Talagang hindi makapaniwala si Atasha na nanalo siya ng pera.

Natawa ang mga tao na nasa loob ng kwarto nang banggitin niya ang kanyang mga magulang.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach ganap nang legit Dabarkads, isa na sa mga hosts ng ‘E.A.T.’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ah totoo ba? Wow, my parents are gonna be so proud of me. Wow, kinikilig ako, totoo?” sey pa ni Atasha nang picture-an siya habang hawak ang isang acknowledgment paper.

Matapos nito ay napasayaw pa nga ang dalaga.

Umani ng samu’t saring mga komento na halos papuri para kay Atasha dahil talagang napakaganda nito at gaya ng kanyang inang si Charlene Gonzales ay talagang pang-beauty queen ang awra nito.

Bukod pa rito ay talagang mapapansin mong mabait itong bata at marespeto.

“Mabait itong bata nato c atasha salute aq sa mga magulang nya pinalaki na tama at mabuting anak,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang gandaaa i’m starting to like her na, as a best celebrity.”

“Ang gandang dabarkads ni atasha… she’s so classy, yet very natural ang pagkakalog.. nakakatuwa because she’s so humble. Wlang arte. By the way, her speaking voice is very much like her mom,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending