Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby nila ni Rey Soldevilla: 'Coming Soon in 2024!' | Bandera

Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby nila ni Rey Soldevilla: ‘Coming Soon in 2024!’

Ervin Santiago |November 21,2023
facebook
share this

Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby nila ni Rey Soldevilla: ‘Coming Soon in 2024!’

Ervin Santiago - November 21, 2023 - 09:30 AM

Yasmien Kurdi buntis sa 2nd baby nila ni Rey Soldevilla: 'Coming Soon in 2024!'

Yasmien Kurdi, Rey Soldevilla at Ayesha

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi at ng kanyang asawang si Rey Soldevilla na magkakaroon na sila ng Baby No. 2.

Masayang ibinalita ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang Instagram account na magiging ate na ang kanilang panganay na anak na si Ayesha.

Nagbahagi ng ilang litrato si Yasmien sa kanyang IG mula sa Nice Print Photo kung saan makikita ang aktres na hawak ang resulta ng pregnancy test habang si Rey naman ang nagpakita ng sonogram.

May photo rin si Ayesha kung saan mababasa sa suot niyang damit ang mga salitang “Only Child” na naka-cross out at sa ilalim nito ay may nakalagay ngang “Big Sister”.

Sa isa pang litrato, makikita naman si Rey na may suot na shirt kung saan mababasa ang mga salitang “player 2 joining” na may konek nga sa paglalaro niya ng Playstation games.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Sa damit naman ni Yasmien ay may nakalagay na “Coming Soon in 2024.”

Ang caption naman ng Kapuso actress sa kanyang IG post ay, “We’ve been keeping a little secret for (a while). #YearOfTheEarthDragon – Me (Jan 25, 1989) #MotherDragon. #YearOfTheWaterDragon – #AyeshaZara (Nov 22, 2012).

“Can’t wait to see you next year #MyBabyDragon #NewBlessing #Happy2024 #YearOfTheWoodDragon 2024,” mensahe pa ni Yasmien na nagsabi ring wala pang gender ang ipinagbubuntis niyang sanggol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)


Sa isang ulat, nabanggit naman ni Yasmien na takbo pa raw siya nang takbo na naka-heels sa isang eksena niya sa GMA afternoon series na “The Missing Husband” dahil hindi pa niya alam na buntis siya.

Baka Bet Mo: Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Pero paglilinaw ng aktres, safe naman daw ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Bumuhos naman ang pagbati sa pamilya ni Yasmien mula sa netizens kabilang na ang mga kapwa niya celebrities.

“Waaaahh!!! Congratulations guys!! Big blessing,” ang mensahe ni Gabbi Garcia.

Sey ni Bea Binene, “Omgggg congratulations, Soldevillas!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Komento naman ng kanyang kaibigang si Mark Herras, “Congrats Yaaaas & Rey!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending