Elizabeth Oropesa ibinunyag na may anak sila ni Dante Rivero

Elizabeth Oropesa ibinunyag na may anak sila ni Dante Rivero

Therese Arceo |November 17,2023
facebook
share this

Elizabeth Oropesa ibinunyag na may anak sila ni Dante Rivero

Therese Arceo - November 17, 2023 - 09:37 PM

Elizabeth Oropesa ibinunyag na may anak sila ni Dante Rivero

Elizabeth Oropesa at Dante Rivero

SHOOKT ang madlang pipol sa naging rebelasyon ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa ukol sa koneksyon nila ng aktor na si Dante Rivero.

Sa kanyang naging interview sa kapwa aktres na si Snooky Serna na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay inamin nitong may anak na sila ng aktor.

Ibinunyag ito ni Elizabeth nang matanong siya kung itinuturing ba niya si Dante bilang “great love”.

“Of course. We have one child,” pagbabahagi ng aktres.

Tila hindi naman ready si Snooky sa naging sagot ni Elizabeth dahil nagulat ito sa rebelasyon ng aktres.

Chika pa ng beteranang aktres, wala naman kasing social media noon kaya nagawa nila itong itago sa publiko.

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa sinermunan ang mga kabataang walang galang sa magulang: ‘Kasi kapag nawala na sila, wala na’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi lang ako kasi madaldal. Hindi naman kami… noong araw kasi hindi uso ‘yun ‘di ba. Wala namang social media, and you don’t normally talk about your personal life before,” lahad ni Elizabeth.

Sa ngayon daw ay nasa 40 years old na ang kanilang anak na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ng madla.

Nang matanong naman si Elizabeth kung nag-uusap pa sila ni Dante ay umoo naman ito.

“Yes. Friends kami. Walang problema at all.

“Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world. Siya lang, walang iba,” sey ni Elizabeth.

Apat ang kilalang anak ng beteranang aktres at ito sy sina Henry, Princess, Gabriel at di Louie.

Samantala, pito naman ang mga anak i Dante na sina Michael, JV, Danny Boy, Rosemarie, Dante Jr., Louisito, at Vangie.

Wala pa namang tugon si Dante hinggil sa naging rebelasyon nila ni Elizabeth.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elizabeth Oropesa dinenay na gustong magkaposisyon sa gobyerno: Masama bang umasa na sana makahingi ng photo na may dedication?

Elizabeth Oropesa umiiyak na nanawagan kay Bongbong Marcos: ‘Hindi mo kami kaaway, kakampi mo kami’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending