AI AI: Sanay na akong nawawalan ng show, siyempre masakit 'yun! | Bandera

AI AI: Sanay na akong nawawalan ng show, siyempre masakit ‘yun!

Reggee Bonoan - October 27, 2013 - 03:00 AM


Ilang beses nang nasusulat na mawawala na ang Toda Max pero ilang beses din itong itinanggi ng executive producer ng show na si Rocky Ubana at maging ni Direk Malu Sevilla.

Sabi sa amin dati ni direk Malu, “Lagi namang sinasabing mawawala na, pero nandito pa rin kami at nagte-taping. Ganyan talaga Reggs, pag may bagong show, sinasabi mawawala na Toda Max, hintayin na lang natin kasi wala naman sinasabi ang management.”

Ganu’n din ang executive producer ng show na si Rocky, “Mataas ratings namin, maganda ang pasok ng sponsors at walang sinasabi ang management, sana na kami na sinasabing mawawala na, heto pa rin kami.”

Pero kalat na ang balitang matatanggal na ito sa ere dahil ang sitcom na Home Swettie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ang papalit dito simula sa Nob. 16, Sabado.

Kaya tinext namin si direk Malu kung puwede namin siyang tawagan kahapon at kaagad naman siyang tumawag, “What’s up my friend?” bungad sa amin.

At siyempre tinanong na namin kaagad ang tungkol sa nalalapit na pamamaalam ng Toda Max. “Yeah, sinabihan na kami ni Ms. Linggit (Tan) nu’ng nag-taping kami for Halloween, nandoon yata kayo no’n or nakaalis na kayo?” kuwento sa amin.

Bakit nga ba tatanggalin ang show, e, maganda naman ang feedback at maganda rin ang pasok ng sponsors?  “E, ganu’n talaga kasi let’s admit na hindi na buo ‘yung original cast, nawala na si Robin (Padilla), nawala pa si Pokie (Pokwang), so naiba na talaga ang kuwento.

Kumbaga, maski na anong gawin mo, paulit-ulit na lang ang kuwento, kaya wala nang mababago, so iyon na ‘yun,” paliwanag mabuti sa amin ni direk Malu.

Tinanong namin kung anong bagong project ng grupo ni direk Malu, “We’ll be having meeting with Ms. Linggit next week bago kami mag-last taping day (Nov. 5), kasi Nov. 7, alis na ako (magbabakasyon sa Amerika),” sabi sa amin.

Samantala, tinext din namin si Ai Ai delas Alas tungkol sa nalalapit na pagkawala ng Toda Max at sabi nga niya, pinuntahan sila ni Ms. Linggit Tan sa nakaraang taping nila.

“Sanay naman akong nawawalan ng show, pero siyempre minsan, nahe-hurt din ako, sanay naman ako sa pain. Pero okay lang ako,” sabi sa amin.

At ang birthday wish ni Ms. A ay maayos na ‘yung matagal na niyang hinihintay, “Sana magkaroon ako ng sarili kong show.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending