Pera sa hayop (2) | Bandera

Pera sa hayop (2)

Joseph Greenfield - October 27, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Dan, ng Barangay Dulapo, Oroquieta City
Problema:
1.      Meron akong lupain, di naman malawak, sa kabilang lalawigan.  Magulo ang isip ko dahil sa kahirapan ng buhay.  Hindi ko alam kung magre-resign na lang ako sa gobyerno dahil hindi naman nadadagdagan ang aking suweldo.
Ayaw ko namang magnakaw.  O, maghihintay na lang ng retirement.  Hindi ako college graduate kaya nakapako ang suweldo ko.  May negosyo naman kami ng misis ko na mga hayop sa aming likod-bahay at kahit paano ay kumikita kami, na nauuwi lang sa edukasyon ng mga bata.  Ang sabi ng misis ko, mag-resign na lang ako at gamitin namin ang lupain sa kabilang lalawigan.
2. Ano ba ang maganda rito, gulay o hayupan, dahil malawak ang sabsaban dito.  Itatanong ko lang po kung susuwertehin kaya ako sa paghahayupan?
Balak ko po kasing lakihan pa ang aming business at bumili pa ako ng mga baka. Ano po ba ang masasabi ninyo sa balak kong ito?
Kapag nag-resign ako sa pagka-sundalo may pag-asa kaya kaming yumaman sa negosyong paghahayupan? January 2, 1961 po ang birthday ko.
Umaasa,
Dan, ng Barangay
Dulapo, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag nag-resign ka at ipinagpatuloy ang inyong business na may kaugnayan sa paghahayupan at dagdagan mo pa ng paghahalaman,  tiyak ang magaganap – sa ganyang larangan ka yayaman.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, kumuha ka ng tauhan o kasama na may birth date na  5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhan o kasamang nabanggit ang lalong magpapayaman sayo.
Luscher Color Test:
Gumamit ka ng kulay na pula at berde bilang opisyal na kulay ng iyonbg negosyo at makikita mo, mas mabilis na lalago ang inyong kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Dan, ayon sa iyong kapalaran nasa tamang daan ka. Tama lang na mag-resign ka sa pagsusundalo, dahil baka yan pa ang ikamatay mo, at pagkatapos paunlarin mo na lang ang kasalukuyan nyong negosyon babuyan, at dagdagan mo pa ng bakahan, at mga paghahalaman. Sa ganyang paraan, mga five years from now, kung sa taon ding ito ay sisimulan mo na ang iyong balak, tulad ng nasabi na, lilipas ang limang taon,  mayamang-mayaman ka na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending