Beauty Gonzalez type ‘sisirin’ si Alden Richards: ‘I want to get the beast out of him!’

Beauty Gonzalez type 'sisirin' si Alden Richards: 'I want to get the beast out of him!'

Beauty Gonzalez at Alden Richards

HANDANG “sisirin” ni Beauty Gonzalez ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sakaling mabigyan sila ng chance na magkasama sa isang project.

Isa sa mga pangarap na makasama ni Beauty sa mga susunod niyang proyekto sa GMA ay ang award-winning Kapuso Drama Prince na tinawag pa niyang “hottest guy” ngayon.

Sa nakaraang mediacon ng latest series ng GMA na “Stolen Life” na pinagbibidahan nina Beauty, Carla Abellana at Gabby Concepcion, ay natanong nga ang celebrity mom kung sino ang gusto niyang maka-work sa kanyang next project.

“Well, I really wanna work with a lot of…ang hirap i-explain, e. Marami. Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him.


“Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” sey pa ng aktres sabay tili.

Hiningan siya ng paliwanag kung “aanuhin” niya si Alden, pero muli lang napasigaw si Beauty sabay tumayo at nagkunwaring magwo-walkout na.

Umupo uli ang aktres at nilinaw kung anong meron si Alden at gusto niyang “anuhin”. “Because I wanna get the beast out of him,” sey ng aktres sabay tawa with matching tili pa rin.

Baka Bet Mo: Beauty Gonzalez certified ‘hot mama’ na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini

“Kaya ko. Kaya ko yun!” dagdag pa niya.

Anong role ang gusto niyang gampanan ni Alden sakaling magsama sila sa isang series o pelikuka? “I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know.”

Hindi pa raw napanood ni Beauty ang blockbuster movie nina Alden at Julia Montes na “Five Breakups and a Romanc” kaya wala siyang idea tungkol sa laplapan at love scene ng dalawa.

“No, I haven’t kasi I’m in Bacolod doing a film, e. And I was on the outskirts of Bacolod, not really in Bacolod City. So I haven’t really had the chance to watch it, but congratulations. I heard it was an awesome film,” aniya.

Pero sey ni Beauty kung anuman daw ang ginawa ni Julia kay Alden sa naturang pelikula ay kering-keri rin niyang gawin.

“Oh yeah, kaya ko iyan, yes, yes!” ang agad na sagot ni Beauty.


May nagbanggit naman tungkol sa mapangahas na pelikula nina Beauty at Sid Lucero na “The Outside” kaya may nagtanong kung type ba niyang “i-Sid Lucero” si Alden?

“Yeah, hindi lang Sid, isisisid ko siya,” ang tumatawa pa ring sey ni Beauty.

Baka Bet Mo: Bea binalak tumigil sa pag-aartista para tumira sa Canada, naloka sa ‘toxic’ ng showbiz: ‘Parang hindi ko kayang lunukin’

Sagot pa ng aktres kung bakit si Alden ang gusto niyang makatambal sa dami ng male stars ngayon, “Well, because he is hottest guy right now and you wanna hit with the hottest one, right,” at muling tumawa si Beauty.

“But, you know, kidding aside I really wanna work with everybody else, the new Sparkle artists, from Star Magic, everybody. And it’s always nice to see new talents also and discover new ones,” dagdag pa ni Beauty.

Samantala, gagampanan ni Beauty sa kuwento ng “Stolen Life” ang karakter  ni Farrah, ang magiging mortal ma karibal ni Lucy played by Carla Abellana sa puso ni Darius na bibigyang-buhay naman ni Gabby Concepcion.

Mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, kasama rin sa cast ng “Stolen Life” sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.

Mapapanood na ang “Stolen Life” simula ngayong Lunes, November 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Read more...