Carla sa isyu ng tampuhan nila ng amang si PJ Abellana: ‘Hindi pa po kami nagkikita at hindi pa rin kami talagang nagkakausap’

Carla sa isyu ng tampuhan nila ng amang si PJ Abellana: 'Hindi pa po kami nagkikita at hindi pa rin kami talagang nagkakausap'

Rey PJ Abellana, Carla Abellana at Tom Rodriguez

KINUMPIRMA ng Kapuso actress na si Carla Abellana na matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang amang aktor na si Rey “PJ” Abellana.

Sinagot ni Carla ang isyung hindi pa rin daw sila nagkakaayos at nag-uusap ng tatay niya nang muli siyang humarap sa media para sa presscon ng bago niyang serye sa GMA 7, ang “Stolen Life.”

Mismong si Rey PJ kasi ang nagsabi sa isang panayam na ayaw pa rin daw makipag-usap sa kanya ni Carla dahil sa pagsasalita niya noon hinggil sa breakup ng anak sa asawa nitong si Tom Rodriguez.

Matatandaang ang veteran actor ang nilapitan ni Tom noon para humingi ng payo dahil gusto pa rin niyang magkaayos sila ni Carla at ma-save ang kanilang marriage.

Ngunit hindi raw talaga nakipag-usap si Carla sa kanyang ama kaya hindi ito nabigyan ng pagkakataon na iparating sa aktres ang mga napag-usapan nila ni Tom.


“Hindi po halos na-patch up yon. Nalipasan ng panahon,” ang sabi ni Rey sa interview ng entertainment writer na si Morly Alinio.

Nagpaliwanag naman si Carla about this issue sa noong Huwebes, November 9, sa presscon ng upcoming GMA 7 afternoon drama series na “Stolen Life” with Beauty Gonzalez and Gabby Concepcion.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

Sabi ni Carla tungkol sa ama, “Hindi lang pa po kami nagkikita. Ang tagal na po naming di nagkita, pero tine-text ko po siya. Nagre-reply naman po siya.”

Sa katunayan daw, binati pa niya si Rey noong Father’s Day (June, 2023) at noong birthday nito (September, 2023) at nag-reply naman daw sa kanya ang tatay niya.

“Wala naman po (akong tampo). Kasi kung may tampo, hindi naman po siya magre-reply. And hopefully we’ll see each other,” paglilinaw pa ni Carla.

Aniya pa, totoong hindi pa sila nakakapag-usap nang face to face pero nagpapalitan naman sila ng text message, “I don’t forget to greet him on special occasions. So, he replies naman po. He says, ‘Thank you,’ ‘I love you,’ ‘I miss you,’ may ganu’n naman po.

“Hindi pa po kami nagkikita and hindi pa po kami talagang nagkakausap. Pero at least, yung ganon po, we still communicate naman po,” ang paliwanag pa ni Carla.


Mariin pang sabi ng aktres, tatay pa rin niya si Rey, “At the end of the day, he’s my father. So, family is family. Yun ang importante. I am still his daughter. So, I don’t forget naman to greet him and respect him and reach out to him.”

Baka Bet Mo: Xian Lim itinangging may ‘something’ sila ni Ashley Ortega

Sa isa pang interview noong March, 2022, inamin ni Rey na tinawagan siya ni Carla dahil nagalit ito nang magpa-interview siya tungkol sa dahilan ng breakup ng anak at ni Tom.

“She was mad, she was questioning me why I came up that way. Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli,” ani Rey.

Nabanggit kasi ni Rey sa naturang interview na ang pakikipag-one-night stand umano ni Tom ang isa sa mga rason kung bakita nakipaghiwalay si Carla sa aktor.

Ngunit bigla itong binawi ni Rey nang sabihin ni Tom sa kanya na hindi raw natuloy ang naturang one-night stand.

Read more...