Regine sa paggawa uli ng serye at pelikula: ‘Pinag-iisipan ko pa kung gusto ko pang umarte, hindi ako sure’

Regine sa paggawa uli ng serye at pelikula: 'Pinag-iisipan ko pa kung gusto ko pang umarte, hindi ako sure'

Regine Velasquez

PINATUNAYAN ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang loyalty sa ABS-CBN matapos muling pumirma ng exclusive contract bilang Kapamilya.

Sa ginanap na contract signing kasama ang mga bossing ng ABS-CBN, sinabi ni Regine na feeling lucky and grateful siya dahil sa patuloy na tiwala at pagmamagal na ibinibigay sa kanya ng mga Kapamilya.

Present sa naganap na contract signing ng actress-singer at TV host sina ABS-CBN chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN president and CEO Carlo L. Katigbak, COO of Broadcast Cory V. Vidanes, at ang ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head na si Laurenti M. Dyogi.

Inamin naman ni Regine na talagang looking forward siya sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Kapamilya Network at sa mga susunod na pasabog na ihahandog niya sa kanyang mga fans.


Pagbabahagi pa ng wifey ni Ogie Alcasid, naging masaya at maganda ang naging experience niya sa ilang taong pamamalagi niya sa ABS-CBN sa kabila ng mga challenges na patuloy na kinakaharap ng kanilang mother network.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

“Kasi di ba minsan in life kailangan lang natin ma-experience yung mga experience na di masyadong maganda for us to appreciate what we have.

“I guess, at that time, mas lalo ko talagang naappreciate ang mga Kapamilya, especially yung mga bosses natin. Pinaglalaban talaga nila. they tried to provide jobs for everyone even though it’s difficult,” sabi ni Regine.

Pagpapatuloy pa ng Songbird, “For all of us na naging part ng Kapamilya, it has been challenging, ‘di ba?


“At the same time, for me at least kasi bago lang ako, it made me feel more of a Kapamilya because of all the challenges we all had to go through,” esplika pa niya.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kaladkaren sa mga magulang na hindi tanggap ang anak na LGBT member: ‘It needs time, understanding…’

Samantala, inamin naman ni Regine na mas nag-eenjoy siya ngayon sa pagkanta at parang nagdadalawang-isip na siyang bumalik sa pagiging aktres.

“Pinag-iisipan ko pa kung gusto kong umarte hindi ako sure. I never really considered myself as an actor di ko alam bakit.

“Siguro if there’s an offer with a really really good role and a really really good story, yung mahirap ako mag no. You’ll never know, let’s see. Hopefully, next year,” pagbabahagi ng OPM icon.

Read more...