Regine naiimbiyerna nga ba sa mga ‘Songbird copycat’? | Bandera

Regine naiimbiyerna nga ba sa mga ‘Songbird copycat’?

Ervin Santiago - March 21, 2018 - 12:20 AM

REGINE VELASQUEZ

HALOS lahat ng mga baguhang female singer ngayon ay nagsasabing isa si Regine Velasquez sa mga itinuturing nilang “petmalu lodi.”

Ang Asia’s Songbird ang kanilang inspirasyon sa pagtupad sa kanilang pangarap na maging magaling at sikat na performer. Siya rin ang ginagaya ng mga sumasali sa singing contest, lalo na ang kanyang pagbirit.

Kaya naman nang makachikahan namin si Regine sa Manila leg audition ng bago niyang singing competition sa GMA na The Clash sa SM SkyDome, natanong ang Songbird kung ano ang masasabi niya sa mga kumokopya sa kanyang birit style.

“‘Don’t copy me?’ Sinasabi ko ‘yan sa sarili ko. ‘Don’t copy me.’ Ako na lang sinasabihan ko,” natatawang sagot ni Regine.

“Hindi, normal yun, e. I actually feel very flattered whenever they sing my song, whenever they try to imitate me or emulate me,” chika ng host ng The Clash.

Hirit pa niya, “I feel very flattered. Pag nag-uumpisa ka, talagang hindi mo pa kasi alam yung sound mo, e. Later on, as you get older, and, you know, experience will teach you a lot of things, then you will figure out what you are and what your own sound is.

“So, okay lang yung gumagaya. Pero sa ngayon nga, sa panahon ngayon, marami akong mga amateur singers na nakikita or nadidinig na hindi nagka-copy, e. Oo, meron na sila agad sariling style, e. Pero sa akin, hindi kabawasan yun sa pagiging singer nila if ka-copy sila.

“Kasi maski ako nu’ng nag-uumpisa ako, ginawa ko rin yun. Kasi ganu’n talaga bata ka nu’n, e, then later on, hindi na. You discover your own sound,” chika pa ng misis ni Ogie Alcasid.

Sino ang peg niya noong nagsisimula pa lang siya? “Si Dulce, kasi di ba, she has a very powerful voice. And Didith Reyes, same. Ang liit-liit na babae pero powerful voice.”

Sa tingin niya, bakit siya lagi ang peg ng mga bagong singers ngayon, lalo na ng mga biritera? “Ako na ‘yung pinakamatanda? Parang 100 years na ako rito,” natatawang sagot ni Regine.

“Siguro dahil ako yung galing sa singing contest, parang konti lang yata kaming nag-stay sa industriya after winning, e, so, parang siguro ako na yung na-peg kasi ang tagal ko na,” dugtong pa ng Songbird.

Bakit marami pa ring sumasali sa mga singing contest sa TV samantalang mas mabilis sumikat ang isang personality kapag nag-viral na siya sa social media? “Alam mo, although everyone can be discovered in social media. Ang dami nang ano ngayon, e, platform. They still join singing contests.

“All over the world itong phenomenon na ‘to, ha. Even in China. Pero siyempre tayo, panahon pa ni kopong-kopong, nagko-contest na tayo. Kasi, I think iba rin yung prestige na naibibigay sa pangalan mo na you’re a winner of such contest. Iba rin, e.

“Also, it makes them ano, parang you stay longer. I don’t know for some reason kasi alam nila na you’re a legitimate artist, na you’re a legitimate singer,” paliwanag ni Regine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisilbing judge sa The Clash sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha na siya ring naatasang magtanggal ng contestant sa elimination round.
Abangan sa GMA ang pagsisimula ng The Clash!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending