Pakiusap ni Carla sa mga intense na eksena nila ni Beauty sa 'Stolen Life': 'Sabi ko sa kanya huwag masyadong galingan!' | Bandera

Pakiusap ni Carla sa mga intense na eksena nila ni Beauty sa ‘Stolen Life’: ‘Sabi ko sa kanya huwag masyadong galingan!’

Ervin Santiago |November 12,2023
facebook
share this

Pakiusap ni Carla sa mga intense na eksena nila ni Beauty sa ‘Stolen Life’: ‘Sabi ko sa kanya huwag masyadong galingan!’

Ervin Santiago - November 12, 2023 - 06:40 AM

Pakiusap ni Carla sa mga intense na eksena nila ni Beauty sa 'Stolen Life': 'Sabi ko sa kanya huwag masyadong galingan!'

Carla Abellana, Gabby Concepcion at Beauty Gonzales

TRAILER pa lang ay pasabog na ang mga eksena nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion sa pinakabagong serye ng GMA 7 na “Stolen Life.”

Siguradong may bago na namang aabangan ang mga Kapuso viewers tuwing hapon dahil sa kakaiba at nakakalokang kuwento at tema ng “Stolen Life.”

Napanood na namin ang full trailer ng latest GMA series at talaga namang patalbugan at lamunan ng aktingan sina Carla at Beauty na nag-aagawan sa pagmamahal ng leading man nilang si Gabby.

Sa istorya ng “Stolen Life” parehong bida-kontrabida sina Carla at Beauty dahil sa pinag-uusapan ngayong powers ng astral projection o ang kakayahang makapaglakbay ng kaluluwa.

Dahil parehong may power na mag-astral travel sina Lucy (Carla) at Farrah (Beauty) ay magpapalit sila ng karakter para maisakatuparan ang kanilang mga balak at pangarap.

“Sabi ko po kay Beauty huwag niya masyadong galingan!” ang natatawang chika ni Carla sa naganap na mediacon ng “Stolen Life” nitong nagdaang November 9 tungkol sa pagpapalit nila ni Beauty ng karakter.

Baka Bet Mo: Ninakaw na bulldog nina DJ Mo at Angelicopter natagpuang patay; iniimbestigahan na ng pulis sa Las Vegas

“A lot of our scenes we do it not just once, twice, we do it over and over… mga ginagawa po niya kailangan ko rin pong gawin..To the point na position ng head, ng mata, ng braso, kailangan eksakto po. Mine-measure po namin ‘yun,” pagbabahagi pa ni Carla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Si Beauty may mga times na nahihirapan din siya. Sa part ko, ino-observe ko talaga si Beauty, pinapanood ko po sa monitor ‘yung mga playback ng mga eksena,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Sey naman ni Beauty, “Ako, I love teasing here kung saan ko ilalagay ‘yung kamay ko. Ha-hahaha!”

Dagdag ni Beauty, gandang-ganda raw siya kay Carla kapag inoobserbahan ang mabibigat at intense na eksena nito na kailangan niya ring gawin.

“Everytime she cries, sinasabi ko, bakit kamukha mo si Mama Mary? Teka lang muna paano ba ‘yan?” ang namamanghang sey pa ni Beauty.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Stolen Life” simula sa November 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Celia Rodriguez, Divine Aucina, Lovely Rivero, Anjo Damiles at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending