Masayang ibinalita ng TV host at celebrity mom na maayos na ang kundisyon ng kanyang anak at nakalabas na rin ng ospital makalipas ang ilang araw na pagkaka-confine.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Mariel ng mga litrato nila ni Gabriela na kuha habang lumalabas sila ng ospital.
“We are going home today!!!!! So proud of you my baby girl, so brave!!! Drinking her medicine on time not giving mommy a hard time,” ang simulang pagbabahagi ni Mariel.
Aniya pa, “Big thanks to the nurses, med tech, medical assistants, cleaners, food people lahat lahat at @asianhospitalph for making sure Gabriela is okay.
“Sa office ni Robin (Padilla) for your assistance, we appreciate all your help. To her Doctors big, big thanks Dr. Nicole Perreras, Dr. Bernadette Terencio and Dr Thad Evangelista.
“Kaming mag-asawa ay nagpapasalamat at hindi napabayaan ang aming bunso. Most of all, thank you God. By Monday she can go back to school na,” ang pahayag pa ng wifey ni Sen. Robin.
Hindi naman nabanggit ni Mariel kung ano ang naging karamdaman ng anak nila ni Robin pero aniya sa kanyang post, kahit daw siya ay nagkasakit din kamakailan.
“I also want to extend my apologies and gratitude to the work i was supposed to do this week but couldn’t because I myself was sick. Take extra care everyone!!!!” sabi ni Mariel.
Sa huli, nagbigay uli siya ng message para sa bunsong anak, “Gabriela, my angel, I am happy you are okay. Don’t scare mommy like that again. I love you so much @gabrieladepadilla.”
Bukod sa mga netizens, ilang celebrities din ang nagpaabot ng kanilang get well soon prayers sa mag-inang Mariel at Gabriela.
“Thank God you are both well na,” ang post ni Marjorie Barretto.
“Praise God all is well,” komento naman ni Alex Gonzaga.
“Hirap talaga kapag ang mga anak na may sakit. Rest ka rin, Mommy Mariel,” ang sabi ni Neri Miranda.
Bukod kay Gabriela, may isa pang anak sina Robin at Mariel, ang kanilang panganay na si Isabella na magse-seven years old na ngayong buwan.