Nadine Samonte grabe ang pag-aalala nang magkasakit ang anak; dismayado sa unang ospital na pinuntahan
MATINDING pagkapraning ang naramdaman ng Kapuso actress na si Nadine Samonte nang magkasakit ang anak niyang si Titus.
Ilang araw daw nilagnat ang kanyang anak kaya dinala na niya agad sa ospital pero negatibo naman daw ang bata sa COVID-19 at wala rin daw itong dengue.
Ayon sa resulta ng medical test ni Titus, nagkaroon pala ng yeast at fungal sa tiyan ng bata kaya ganu’n katindi ang epekto sa kanyang katawan.
Pero hindi diyan nagtatapos ang kuwento ng pagkakasakit ni Titus dahil nagkaroon din ng hindi kagandahang experience si Nadine sa unang ospital na pinagdalhan niya sa anak.
Sa unang Instagram post ng Kapuso star last July 15, ibinahagi nga nito ang nangyari kay Titus kalakip ang litrato nito na kuha sa kanyang hospital room.
View this post on Instagram
“Ang hirap ‘pag anak mo may sakit nahihirapan ako mag-function ng maayos. Our 4th night High fever but everything is normal so weird talaga. No dengue no covid. Cbc are normal but still dito pa din kami nagpunta sa hospital kasi vomiting and diarrhea na siya tapos dehydrated na.
“Pang 4th tusok tska nasweruhan kasi nga dehydrated na hay can you imagine ‘yung awa ko kay Titus. (Pwede bang ako nalang ang tusukan?) praying for a positive result na,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.
Hiling pa niya sa kanyang followers, “Pls pray for my boy and to all the kids out there na may sakit im praying for you too. We will survive this. Lord heal all the sick people pls (on the positive side yes nagagawa pa nya mag smile and madaldal pa din).”
Baka Bet Mo: Nadine Samonte bigla na lang iiyak kapag narinig ang ‘Amazing Grace’: Naaalala ko yung sinabi ng doktor ko noon…
Sa sumunod niyang post ngayong araw, July 18, nagbahagi uli ang aktres ng litrato ng anak at nagbigay ng update sa kundisyon ng bagets.
“Few days ago my son had fever and on the 4th day i brought him sa hospital then nilipat ko sya sa ibang hospital the next day kung nasan na tlga ung Pedia nya.
“Reason why ko dinala don kasi is near sa amin para i can spend time with my siblings before they go home sa Germany and lesson learned kung nasan ang pedia nyo don nyo tlga dalhin.
“I was so disappointed sabi ko nga its just the name and the room pero the service. Buti tlga nagkick in ung mother instinct ko na ilipat na tlga kasi kung hindi baka magsisi pko sa huli,” pagbabahagi ni Nadine.
View this post on Instagram
Dagdag pa niyang kuwento, “Well fast forward nakita agad ng doctor namin kung anu prob and nagamot agad sya. Meron syang yeast and fungal sa tummy nya kaya ganun pero grabe ung effect kay Titus.
“I just wanna say thank you so much to our Pedia Dra. Rizalina Gonzalez for always always taking care of my kids and kahit sa amin noon magkkapatid (sya din kasi pedia namin).
“You went out of your way talaga to help me with everything and bihira sa doctor yun. For sure lahat ng nakakakilala kay Dra alm nila na ganun sya. Kapag tom wala na syang lagnat makakauwi na din ang Titus namin. New Sinai MDI nurses maraming salamat din sa alaga.
“To all of my friends who messaged me thank you so much sa lahat ng care and sweet messages and sa lahat ng nagcocomment sa previous post ko thank you din kasi lahat un tinanung ko sa doctor kung pwde itest un and baka un na ang prob.
“Malaking bagay pala tlga pag nagbbgy ng opinion ang lahat kasi don mo mallmn na ah baka nga mern ganun or ganito . Salamat salamat po. Hindi ko man marereplyn isa isa pero lahat po yun nbabasa ko. Salamat po sa lahat ng nag pray for Titus,” sabi pa niya.
May paalala rin si Nadine sa lahat ng nanay, “Sa mga mommies din na my sakit ang mga anak eto narealize ko always follow your instincts always kasi si Lord un and dont bring sa hospital na maganda dapat magaling din.
“Praying for all the kids and adults na my sakit. Kaya natin yan. Malaks tayong mga nanay at hindi tayo pababayaan ni Lord. Wowa thank you sa pag babanty pag wala ako salamat ng marami kahit love hate ka ni Titus hahaha lambingan nila un. Ngayon makakatulog nko ng maayos at makakreply nko,” lahad pa ni Nadine.
Bukod kay Titus, may dalawa pang anak ang aktres sa asawa niyang businessman na si Richard Chua, sina Heather at Harmony Saige.
‘Family Feud’ trending sa socmed dahil sa sagot ng contestant, ano kaya ito?
Nadine Samonte, pamilya tagumpay sa paglaban sa COVID-19: Grabe ang nangyari sa amin!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.