Nadine Samonte balik sa ‘ligawan stage’: Nawalan ako ng time kay hubby kaya babawi ako! | Bandera

Nadine Samonte balik sa ‘ligawan stage’: Nawalan ako ng time kay hubby kaya babawi ako!

Pauline del Rosario - February 19, 2023 - 02:17 PM

Nadine Samonte balik sa ‘ligawan stage’: Nawalan ako ng time kay hubby kaya babawi ako!

PHOTO: Instagram/@nadinesamonte

LALO pang tumitindi ang pag-iibigan ng aktres na si Nadine Samonte at kanyang mister na si Richard Chua.

Masaya kasing ichinika ni Nadine na bumalik sila sa “ligawan stage.”

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang sweet photo ng kanilang dinner date.

Inamin din ni Nadine na nawalan siya ng oras para sa kanyang asawa dahil mas inuna niya ang kanilang mga anak.

Pero ngayon daw ay napagtanto niyang kailangan na niyang bumawi sa mister.

Caption niya, “So guilty past few years kasi simula nung nagka anak kami ang focus ko is only our kids.”

Patuloy niya, “Nawalan ako ng time kay hubby kaya ngayon sabi ko babawi na ko kaya eto ligawan stage ulit kami haha [red heart emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)

Makikita naman sa comments section ang pagkakilig ng maraming fans sa post.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Super sweet mo naman Ms. Nadine! [happy face with hearts emoji]”

“Sana all nalang talaga ako. Sana may ganito akong asawa.”

“Stay sweet always [red heart emoji] tapos na valentines pero kinikilig pa rin ako.”

Matatandaang taong 2013 nang ikinasal sina Nadine at Richard.

Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Heather, Titus at Harmony Saige.

Related chika:

Buboy Villar balak nga bang ligawan si Jelai Andres?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris pinakilig ang fans sa birthday message kay mister: To the man who can’t keep up with my kaartehan

Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending