Inabandonang sasakyan na natagpuan sa Batangas City posibleng may kaugnayan sa kaso ni Catherine Camilon
By: Ervin Santiago
- 12 months ago
Catherine Camilon
NATAGPUAN ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang sasakyan na posibleng konektado sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Ayon sa huling ulat ng CIDG-4A, maaaring may kaugnayan ang nakitang abandonadong kotse sa kaso ng dating kandidata ng Miss Grand Philippine 2023.
Ang naturang sasakyan ay natagpuan sa isang lugar sa Barangay Dumuclay, Batangas City, base na rin sa ilang residente roon
Sinabi ni CIDG-4A chief Police Colonel Jacinto Malinao, Jr. sa isang panayam, ayon sa mga nakasaksi, inabandona umano ang nasabing sasakyan noon pang November 6.
Agad namang dinala ang nasabing kotse sa Batangas Provincial Police Office para sa forensic tests. Sabi ni Malinao, hinihintay pa nila ang resulta ng SOCO kung may mga natagpuang ebidensiya sa sasakyan.
Ayon sa mga ito, nakita umano nila ang beauty queen at Grade 9 teacher na duguan habang inililipat sa isang sasakyan.
Kinumpirma rin nila ang identity ng isang person of interest na iniimbestigahan ng mga otoridad ngayon na pinaniniwalaang isa ring pulis.
Sabi pa ng dalawang saksi, nasa isang bakanteng lote sa isang subdivision umano ang sasakyan kung saan nila nakita ang duguang biktima.
Nauna rito, sinabi naman ng CIDG director na si Major General Romeo Caramat, Jr. na, “Quarrel among this victim at saka and yung suspect and allegedly and it is an open secret that they have love relationship.
“Very obvious na doon sa sasakyan nakitang duguan yung ulo ng biktima natin. It’s either hinampas ng baril or binaril du’n mismo sa loob ng sasakyan,” dagdag pa ng opisyal.