Isa na nga riyan ang pagiging artista at TV host na obviously ay nakuha niya sa kanyang nanay at tatay na itinuturing nang showbiz icon sa Philippine entertainment industry.
More than 20 years nang nagho-host si Luis, ang huli nga ay sa programang “It’s Your Lucky Day” na siyang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa husband ni Jessy Mendiola, napalaking tulong sa kanyang showbiz career ang ginawang paggabay sa kanya ng kanyang parents.
Napakaraming advice raw ang ibinihagi sa kanya nina Doods at Ate Vi na baon-baon pa rin niya hanggang ngayon.
“Bilin ng mommy ko, ‘Anak, madaling sumikat especially now, you post something online, in few hours sikat ka na.
“Pero sabihin mo matagal kang pag-usapan in a good way, ‘yun yung pinakamahirap.’ ‘Yun ‘yung naging goal ng mommy ko for me in anything,” pagbabahagi ni Luis sa panayam ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo para sa “Tao Po.”
Ibinandera rin ng award-winning TV host-comedian na idol na idol niya pagdating sa hosting ang kanyang amang si Edu Manzano.
“The peg would always be my dad even up to now. Tanggalin mo ‘yung Manzano factor, si Luis as a fan of Edu, tanggalin mo ‘yung mag-ama, lahat ng ‘yon. But you have to create your own name,” sey ni Luis.
Samantala, may hiling din ang celebrity dad ngayong may sarili na rin siyang pamilya at ito’y may kinalaman sa anak nila ni Jessy na si Baby Peanut.
“She would get to watch me. Marami siyang puwedeng balikan sa TV na parang, ‘Uy, Papa ko yan.’
“O, di kaya may lumapit sa kanya when she’s older na parang, ‘We used to watch your dad ha, napasaya niya kami.’ So ‘yun ‘yung pinaka-goal ko in terms of being a host and a father,” chika pa ni Luis.