LABIS ang pasasalamat ng TV host-actress na si Alex Gonzaga sa lahat ng nagpakita ng suporta sa kanyang pinagdaanang miscarriage.
Sa kanyang latest post sa Instagram ay ibinahagi niya ang mga samu’t saring komento mula sa mga netizens na nauunawqan ang kanyang naging sitwasyon.
“Sharing one’s motherhood journey is never easy because it brings back all the pain and feeling of loss,” panimula ni Alex.
Pagpapatuloy niya, “But I have received so many messages from aspiring mothers who know exactly how I feel and whose longing I share.”
Nagpasalamat rin si Alex sa mga netizens nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at hindi ipinaramdam na nag-iisa siya sa kanyang laban.
“Maraming salamat sa inyo. Thank you for making me feel that I am never alone, that beyond the love and support of my family, I have your kind words to give me comfort and strength.
“I may not know you personally, but please know that in spirit and more so in prayer, I am with you,” sey ni Alex.
Sa kabila ng pangalawang miscarriage na kanyang napagdaanan, naniniwala pa rin itong darating ang tamang panahon na madaragdagan ang kanilang pamilya.
“One day, and by God’s grace and infinite goodness, we will have our rainbow baby,” lahad ni Alex.
Dagdag pa niya, “Keep the faith, and together, let us look forward to the next chapter of our journey. Trust me, there is nothing more beautiful than God’s gift of beginnings.”
Matatandaang noong Linggo, November 5, ibinahagi ni Alex ang kuwento ng kanyang pangalawang miscarriage na nangyari noong October base sa naging panayam niya sa vlog ng kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga.
Ani Alex, “First punta namin, ano e, walang nakikita e. Tapos may nakitang mass, sa fallopian tube. Tapos nakikita ko hindi na maganda ‘yung mga nangyayari.
“So alam ko na may something wrong doon sa second pregnancy. Sabi nila, we have to wait. Ganoon din nangyari sa amin sa first pregnancy namin. We have to wait another week to see baka naman it’s slow
Related Chika:
Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’