Kaila Estrada to the rescue sa pamba-bash kay Anji Salvacion: ‘Be more responsible in what we say online…’

Kaila Estrada to the rescue sa pamba-bash kay Anji Salvacion: ‘Be more responsible in what we say online…’

Kaila Estrada, Anji Salvacion

AMINADO ang aktres na si Kaila Estrada na aware siya sa pagnenega ng maraming netizens sa “Linlang” co-star na si Anji Salvacion.

Magugunitang nag-trending si Anji sa social media dahil marami ang nanlalait at nang-ookray sa ipinakikitang performance niya sa seryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Maricel Soriano, JM de Guzman at Paulo Avelino.

Ayon kay Kaila, sobra na ang pamba-bash na ginagawa sa kanyang katrabaho kaya ang pakiusap lamang niya ay maging “nicer” at “kinder” sa mga ibinabatong komento.

“I understand that criticism is part of it, right? We welcome it kasi we learn from the criticisms that we received, but I think some people may have thought (of) taking it too far,” sey niya matapos tanungin sa sidelines ng naganap na Opulence Halloween Ball noong October 31.

Kasabay ng kanyang apela, binanggit din ng aktres ang posibleng epekto ng mga negatibong komento.

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi nape-pressure bilang ‘anak ni Janice’: My mom is a legend, I have a long way to go…

“I really hope that, you know, we can just be kinder and nicer, and more responsible in what we say online,” sambit niya.

Paliwanag niya, “Because of course, hindi natin alam ‘yung magiging effect n’un sa kanya.”

“I hope people can be nicer,” aniya pa.

Bago pa si Kaila, nauna nang nagtanggol kay Anji ang award-winning actor na si Christian Bables.

Nag-post pa nga siya sa kanyang X account (dating Twitter) upang bigyan ng words of encouragement ang dalaga.

“As long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you,” ang mensahe ng aktor kay Anji.

Nanonood daw talaga si Christian ng “Linlang” at naniniwala naman siya na marami pang pwedeng ilabas at ipakita si Anji as an actress.

Nilinaw rin ni Christian na hindi pa niya personal na nakikilala ang young actress.

“I personally do not know Anji, I am not connected, but I really felt the need to speak up and use my platform to give her words of encouragement,” caption niya.

Patuloy pa ni Christian, “Parang hindi kayanin ng konsensya ko madurog dreams ng bata dahil sa hurtful and hateful comments natatanggap araw-araw. When in fact, she can still improve.”

Related Chika:

Read more...