Reunion concert ng Rivermaya sa 2024 tuloy na tuloy na, loyal fans nagpiyesta

Reunion concert ng Rivermaya sa 2024 tuloy na tuloy na

Original Rivermaya

NAGPIYESTA ang mga loyal fans ng grupong Rivermaya matapos bumandera ang balita tungkol sa kanilang bonggang reunion concert.

Yes, tuloy na tuloy na ang muling pagsasama-sama sa isang stage ng mga miyembro ng naturang iconic OPM rock band na sina Bamboo Mañalac, Mark Escueta, Nathan Azarcon at Rico Blanco.

Ayon sa ulat, magaganap ang pinakaaabangang reunion project ng Rivermaya sa February 17, 2024 sa SMDC Festival Grounds.

“Be a part of history as Live Nation Philippines stages its first-ever OPM show with Bamboo, Mark, Nathan and Rico – finally together in the country’s most coveted reunion,” ang nakasaad sa social media post ng Live Nation Philippines.

Mabibili ang tickets para sa naturang concert simula sa November 17.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “The Voice Philippines” coach na si Bamboo ang original frontman ng  Rivermaya at nilisan niya ang grupo noong late 90’s.

Baka Bet Mo: ‘Pagpisil’ ni James Reid sa nipple ng kaibigang CEO pinagpiyestahan sa socmed: Ano ba talaga koya?

Kasunod nito, ang pumalit sa kanya bilang bokalista ng banda ay ang singer-actor at songwriter na si Rico Blanco ngunit pagsapit ng late 2000 ay iniwan din niya ang Rivermaya.

Ilan sa mga classic hits ng grupo ay ang “214”, “Kisapmata”, “Elesi”, “Ulan” at “Himala.”

Sa ngayon, aktibo pa rin ang banda na kinabibilangan pa rin ng original members nitong sina Mark Escueta, Nathan Azarcon kasama ang isa pa nilang kagrupo na si Mike Elgar.

Last year, ni-release ng Rivermaya ang kanilang single na “Casino” at patuloy pa ring nagko-concert dito sa Pilipinas at sa iba’t iba pang bansa.

Baka Bet Mo: Rivermaya nanindigan kay VP Leni, walang tinanggap na talent fee: Hindi po kami binayaran kahit piso!

Sa isang panayam ay nasabi ni Bamboo na hindi niya isinasara ang posibilidad na muling magsama-sama para sa isang concert ang mga miyembro ng dati niyang banda.

“I will never say never. But I cannot imagine how. We can hang out in the house or have dinner, but to play again?” ang pahayag ni Coach Bamboo.

Aminado rin si Bamboo na talagang matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita-kita at nagkakasama-sama kaya mukhang imposible pa raw mangyari ang reunion concert very soon.

“You have to imagine how long we’ve been away from each other and what kind of family I’ve built with the guys I’m playing with now. I’m pretty loyal to my band now,” pahayag pa ng Kapamilya singer at songwriter.

Read more...