Pelikula nina Alden at Julia na ‘Five Breakups and a Romance’ umabot nga kaya sa P100-M mark?

Pelikula nina Alden at Julia na 'Five Breakups and a Romance' umabot nga kaya sa P100-M mark?

Julia Montes at Alden Richards

IPINAGDARASAL at wini-wish ng mga supporters nina Julia Montes at Alden Richards na umabot sa P100-million mark ang kita ng pelikulang “Five Break-Ups and a Romance.”

Kung mangyayari ito, siguradong mapapasama sa listahan ng mga pelikulang Pinoy na kumita nang bonggang-bongga sa panahon ng pandemya.

Sa huling ulat, umabot na raw sa mahigit P60 million ang gross sales ng “Five Breakups And A Romance” nina Alden at Julia na patuloy pa ring ipinalalabas sa mga sinehan nationwide makalipas ang ilang linggo.

Sa Instagram, Facebook at X account ng Asia’s Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden kahapon, November 4, naka-post ang balitang kumita na ang pelikula nila ni Julia na siya rin ang isa sa mga producer, ng more than P60 million.


Kaya naman todo-todo ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng mga Pinoy na talagang sumugod sa mga sinehan para panoorin ang kanilang pelikula, kabilang na riyan ang mga fans na nagpapa-block screening.

Nag-promise pa nga ang Kapuso Drama Prince na pupuntahan niya ang lahat ng mga magpapa-block screening ng “Five Breakups And A Romance” bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga sumusuporta sa kanila.

Baka Bet Mo: Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa ‘Third World Romance’: ‘First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena’

In fairness, may pagkakataon pa nga na mismong si Alden na ang nag-takilyero sa isang sinehan kaya naman tuwang-tuwa ang mga manonood.

* * *
Aksyon at katatawanan ang hatid ng Primetime King na si Coco Martin sa kanyang pagbida sa Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong Nobyembre.

Saksihan si Coco bilang mabait na pulis na si Jack sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” (Nob. 5), matikas na si Flavio sa “Ang Panday” (Nob. 12), napagbintangan na si Pol sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” (Nob. 19), at gang leader na si Paco sa “The Super Parental Guardian” (Nob. 26) na mapapanood sa tuwing Linggo, 7 p.m..


Tampok din sa Cinema One ang bigating pelikula ng Kapamilya aktres na si Angelica Panganiban na eere sa Monday Drama, 9pm. Saksihan siya bilang problemado na asawa na si Lizelle sa “I Love You, Goodbye” (Nob. 6), mapagmahal na si Pia sa “Exes Baggage” (Nob. 13), matapang na si Jacqueline sa “One More Try” (Nob. 20), at matalik na kaibigan na si Deena sa “Unbreakable” (Nob. 27).

Baka Bet Mo: Tanong ni Julia kay Alden nang kunin siyang leading lady sa ‘Five Breakups and A Romance’: ‘Bakit ako? Bakit sa akin ka tumaya?’

Samantala, papatibukin naman ni Paulo Avelino ang puso ng mga manonood sa pagbida niya sa Romance Central. Tunghayan si Paulo bilang isang politiko na si Philip sa “Kasal” (Nob. 5), mapagpalaya na si Brian sa “The Unmarried Wife” (Nob. 12), tinitingalang bachelor na si Philip sa “The Bride and the Lover” (Nob. 19), at housemate na si Jerry sa “Status: It’s Complicated” (Nob. 26) na eere tuwing Linggo, 5 p.m.

Isang pagpupugay para sa award-winning direktor na si Cathy Garcia ang handog ng Cinema One sa C1 Masters na mapapanood tuwing Miyerkules, 9 p.m..

Huwag palampasin ang ilan sa kanyang pelikula tulad ng “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Nob. 1), “You Changed My Life” nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz (Nob. 8), “Four Sisters and a Wedding” nina Angel Locsin at Bea Alonzo (Nob. 15), “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Nob. 22), at “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo (Nob. 29).

Read more...