Christian Bables awang-awa kay Anji Salvacion: ‘Hindi kaya ng kunsensya kong madurog ang dreams ng bata dahil sa hurtful and hateful comments’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Anti Salvacion, Christian Bables at ang cast members ng ‘Broken Hearts Trip’
NILINAW ng Kapamilya actor na si Christian Bables na hindi pa niya personal na kakilala ang young actress-singer na si Anji Salvacion na umaani ng batikos dahil sa akting niya sa “Linlang.”
Ayon sa ilang bashers, hindi raw bagay na Osama si Anji sa naturang programa na gumaganap bilang Kate Alcantara dahil ang gagaling ng mga co-stars nito kaya kitang-kita ang pagiging baguhan niya bilang artista.
Sa gitna ng pangnenega kay Anji, may mga nagtanggol naman sa kanya at isa na riyan ang award-winning actor na di Christian Bables na nag-post pa talaga sa kanyang X account (dating Twitter), para bigyan ng words of encouragement ang dalaga.
“Dear Anji Salvacion, I am excited for you to unleash the brilliant actress in you. For as long as you admit there’s a huge room for improvement, ok na yun. The rest ingay lang. Please never give up on learning your craft. Meron yan, Anji. I believe in you,” ang mensahe ng aktor kay Anji.
Nanonood daw talaga si Christian ng “Linlang” at naniniwala naman siya na marami pang pwedeng ilabas at ipakita si Anji as an actress.
“Everything, naniniwala ako, lahat nadadaan sa magandang pananalita. Lagi ko sinasabi may choice. Ang kabutihan po ay choice.
“Nasa sayo kung uunawa ka, magmamahal, kaysa manakit,” ang pahayag ng aktor nang makachikahan namin at ng ilan pang members ng press sa mediacon ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Broken Hearts Trip”.
“I personally do not know Anji, I am not connected, but I really felt the need to speak up and use my platform to give her words of encouragement.
“Parang hindi kayanin ng konsensya ko madurog dreams ng bata dahil sa hurtful and hateful comments natatanggap araw-araw. When in fact, she can still improve,” patuloy pa ni Christian.
Mensahe naman niya kay Anji, “Sana na-realize niya hindi pa end ng world as an actress. Ang lahat ay natututunan. Lahat may tamang panahon, but I know deep in my heart, sometime, somewhere, she will be an amazing actress.
“To tell you honestly, kailangan pa niya matuto. I hope and pray she has willingness to act on it and learn there, as well as accept there is still room for improvement,” ang sey pa ng binata na huling napanood sa hit Kapamilya series na “Dirty Linen”.
Binigyan din niya ng advice ang dalaga based on his experience, “Ako po bilang isang aktor, I speak for myself, only para sa akin, huwag ka sasalang ng hindi ka handa.”
Sabi pa niya sa lahat ng bashers at haters, “It is never right pagtawanan yung kahinaan ng isang tao. Gaano ka peaceful at kaganda internet o environment in general.
“Kung pipiliin natin to be kinder or nicer, hindi ko naman madiktahan, pero baka lang sakali, mayroon ako kahit papano boses, maliit man na, sana nagagamit ko nang tama,” mariin pa niyang sabi.
Samantala, super excited na si Christian na mapanood ng mga Filipino ang MMFF 2023 entry nilang “Broken Hearts Trip”, lalo na ng mga members ng LGBTQIA+ community.
Tungkol ito sa limang brokenhearted members ng LGBTQIA+ na mabibigyan ng chance na makapag-heal sa pagiging “wasak’ sa pamamagitan ng isang reality show na kukunan sa magagandang tourist spots sa Pilipinas.
Makakasama rin dito sina Teejay Marquez, Andoy Ranay, Marvin Yap, Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Simon Loresca, Petite, Iyah Mina, Tart Carlos at Jaclyn Jose, mula sa direksyon ni Lemuel Lorca, sa panulat nina Archie del Mundo at story ni Lex Bonife.
Showing na ang “Broken Hearts Trip” simula sa December 25, bilang bahagi nga ng 2023 MMFF. Ito’y mula sa VMC Films at Smart Films.