Anji Salvacion para raw naka-botox ang mukha, hindi makita ang facial lines kapag umaarte; Kice kinakain ang mga linya sa 'Linlang' | Bandera

Anji Salvacion para raw naka-botox ang mukha, hindi makita ang facial lines kapag umaarte; Kice kinakain ang mga linya sa ‘Linlang’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 07:55 AM

Anji Salvacion para raw naka-botox ang mukha, hindi makita ang facial lines kapag umaarte; Kice kinakain ang mga linya sa 'Linlang'

Anji Salvacion at Kice

AYAW nang patulan ng “PBB” big winner na si Anji Salvacion ang mga nang-ookray at nanlalait sa akting niya sa Kapamilya series na “Linlang.”

Marami kasi ang nagsasabi na hindi pa masyadong pasado sa kanila ang ipinakikitang performance ng dalaga sa naturang serye na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman, Paulo Avelino at Maricel Soriano.

Kabilang na nga riyan ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz, na nagsabing hilaw pa ang akting ng singer sa “Linlang” pati na ng katambal nitong si Kice na naging contestant sa “Idol Philippines” season 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by anji (@_anjisalvacion_)


Ani Papa O, ang feeling niya hindi naman kailangan ang love story ng magka-loveteam bilang sublot ng “Linlang”. Dagdag pa niya, parang naka-botox daw ang mukha ni Anji kaya hindi makita ang kanyang facial lines (at expression). Si Kice naman ay parang kinakain ang mga dialogue.

“Episode 5 & 6 na, malakas na sana ang presence ni Anji, pero scripted pa din ang delivery ng lines, saka parang naka-botox ang mukha, kaya hindi makita ang facial lines. Si Kice, kinakain ang linya. Make this as your motivation, mga bagets, to be better next time (peace sign emoji),” sabi ng vlogger.

Baka Bet Mo: Idol PH 3rd Placer Kice muntik nang layasan ang showbiz dahil sa mga ‘golden bashers’, anyare?

Paliwanag naman ni Anji, may mga naputol daw kasing mga eksena sa mga episode na ipinalalabas sa Prime Video, “Before that scene, may mga scene pa ‘yun na hindi (nasama) sa Prime kasi may limited din na time sa Prime,” ang paliwanag ng dalaga sa panayam ng “Teleradyo Serbisyo.”

Sa kabila ng panlalait sa akting niya, nanawagan pa rin siya sa kanyang fans na huwag nang makipag-away sa bashers at haters.

“I was there to call my Sunshines na huwag na nating patulan kasi at the end of the day, ‘di naman natin sila kilala. They are just there to judge us and all.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kice (@kiceisnice)


“Actually, ang gagaling ng bashers, na-connect nila ‘yung tweet ko sa sinabi ni Mama (Ogie). Wala naman akong sinabing ganoon kay Mama (Ogie),” aniya pa na ang tinutukoy ay ang sunud-sunod niyang post sa kanyang X (dating Twitter) account.

Sabi pa niya nang hingan na mensahe para sa mga bashers, “Ang hirap kasing mag-explain and I don’t wanna prove myself to anyone kasi at the end of the day, may mga tao na they believe what they believe in and we cannot change their minds in their close-minded.

Baka Bet Mo: Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!

“Just let them be, I don’t talk anymore. I just let them talk and talk and I’m just here gonna do my thing,” dugtong ni Anji.

Matatandaang nag-post nga ang singer-actress sa X ng kanyang saloobin tungkol sa pamba-bash sa akting niya sa “Linlang.”

Aniya, “All I could say is I don’t know these people and they’re not worth my precious time. So, please I know you’re concern I appreciate you all for standing up for me but then again, are they gold? No right? Let’s focus on our goals my loves. Who are they to begin with anyway?

“If you think you can hurt me, try a little harder, okay? mwahhh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sunshines wag niyo nang pansinin ang mga palamuti ng story natin minsan magulo talaga sila,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending