Kathleen Hermosa nawalan ng 'triplets', naniniwalang magbubuntis muli: God will make us pregnant again | Bandera

Kathleen Hermosa nawalan ng ‘triplets’, naniniwalang magbubuntis muli: God will make us pregnant again

Therese Arceo - November 03, 2023 - 03:21 PM

Kathleen Hermosa nawalan ng 'triplets', naniniwalang magbubuntis muli: God will make is pregnant again
HOPEFUL pa rin ang aktres na si Kathleen Hermosa na muli siyang bibigyan ng pagkakataon na magbuntis muli.

Ito ay matapos niyang isapubliko ang naging pagbubuntis niya ng sana’y triplets nila ng asawang si Miko Santos ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natuloy dahil sa pagkakaroon niya ng blighted ovum.

Ito ay ibinahagi ni Kathleen sa kanyang YouTube channel na uploaded noong Miyerkules, November 1, kasabay ng pagpapakita ng kanilang naging journey buhat nang malaman nilang mag-asawa na nagdadalangtao siya.

Ang blighted ovum o kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy ay isang uri ng early pregnancy miscarriage kung saan walang embryo (developing baby) sa kabila ng pag-grow ng sac at placenta.

Unang nalaman nila Kathleen at Miko ang kanilang pagbubuntis noong September at agad itong inanunsyo sa kanilang pamilya kasama ang kapatid niyang si Kristine Hermosa.

Super happy naman si Kristine para sa kapatid at biniro pa ito na “Kaya pa pala parang bundat.”

Baka Bet Mo: Kathleen Hermosa sa pagpapakasal kay Miko Santos: ‘Words aren’t enough to describe how beautiful it felt, I just know my #1 guest was present…’

Matapos ang halos isang buwan nang pumunta sila sa doktor upang marinig ang heartbeat bg ipinagbubuntis ngunit sa kasamaang palad ay hindi na-develop ang embryo sa kanyang sinapupunan.

“We’re all excited with our triplets. You know, one is a blessing. Two is more than enough. And three, naniniwala ako is a miracle. Kasi, wala naman sa amin na merong triplets or twins sa genes or sa lines, wala naman,” pagbabahagi ni Kathleen.

Bandera IG

Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ay pinili naman nina Kathleen at Miko na maging positibo sa buhay.

Nag-post rin ang dating aktres sa kanyang Instagram account.

Caption ni Kathleen, “God will make us pregnant again. With healthy both myself and triplets again. And he is no doubt capable of making it happen to you too.

“No time to waste sulking, fretting and in sorrow. Let’s not allow ourselves to go spiral down that way. We/I choose to be in a space full of hope and excitement.”

Marami naman ang nagpakita ng suporta at nagpaabot ng dasal para sa mag-asawang Kathleen at Miko.

December 2022 nang ma-engage ang dalawa at nitong June 2023 nang hanapin ang intimate garden ceremony nila sa Cebu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kristine Hermosa inokray ng basher, pati raw sariling kapatid tinalbugan sa kasal: ‘Gusto lagi mas maganda siya sa lahat!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending