Kristine Hermosa inokray ng basher, pati raw sariling kapatid tinalbugan sa kasal: ‘Gusto lagi mas maganda siya sa lahat!’
TINALAKAN ng isang netizen ang aktres at celebrity mom na si Kristine Hermosa dahil sa pang-aagaw daw nito ng eksena sa kasal ng kapatid na si Kathleen Hermosa.
Dalawang buwan na ang nakalilipas matapos ang naganap na kasal ni Kathleen at ng asawa na niya ngayong si Miko Santos sa isang garden wedding sa Montebello Villa Hotel sa Cebu last June 8.
Pero mukhang hanggang ngayon ay feel na feel pa rin ni Kathleen ang pagpapakasal kay Miko dahil muli siyang nag-post sa Instagram last September 5, ng ilang litrato na kuha sa kanyang wedding.
Kasama nga sa mga ipinost ng aktres ay ang photo nila ng younger sister niyang si Kristine kung saan parang nakasuot din ng wedding gown ang asawa ni Oyo Sotto.
Ang isinulat ni Kathleen sa caption, “And so, up until now, a lot of you are asking what shoes we wore on my wedding day—-its SHOEPATOS by Doreen Odvina guys.
“By the way, wore your shoes all night. The cushion was sooo comfy.
“Simplicity and elegance in one. Thank you to the founder and owner—Doreen Odvina @doreenodvina_m for being so kind in working with us. Many thank youS again Doreen,” sey pa ng sisteraka ni Kristine.
Halos lahat ay magaganda at positibo ang komento sa IG post ni Kathleen ngunit may isa ngang netizen ang nambasag kay Kristine at nagsabing sinapawan daw nito nang bonggang-bongga ang kanyang ate.
Hirit ng netizen, “Hindi man lang sinimplehan ni Kristine tinalbugan ang Ate. gusto lagi mas maganda siya sa lahat. be simple and be humble your Christian na inday.”
View this post on Instagram
Kinuyog naman ng ilang IG users ang naturang basher. Talak ng isang fan ni Kristine, “Ano problema mo? Kahit simplehan nya maganda talaga sya. Hindi nya kahit kelan ginusto na maging maganda sa lahat,nagkataon lang na maganda sya sa lahat.Ikaw naman gandahan mo yang ugali at pag iisip mo.Kung wala kang masabing maganda sa kapwa,manahimik ka.”
Baka Bet Mo: Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!
Paninita ng isa pang netizen, “Khit simplehan nia maganda tlga cia. Kht p basahan suotin nia tatalbugan nia p rin ang lhat, ska anong connection nang religion nia s pag aayos nia? Yng utak mong tabingi ayusin m. May maicomment lng eh.”
Nagkomento rin si Kathleen sa sinabi ng netizen, “Let me reply to this. This may help you beautiful women to grasp the whole concept of beauty.
“In sisterhood, walang talbugan, we lift each other up. In my wedding, I explicitly made sure everyone was at their best.
“Especially my Matron of Honor and all bridesmaids and groomsmen too! Ninongs and Ninangs too. And my flower girls and the little boys!! Everyone!!
“Lets practice seeing the beautiful things rather than the ugly thoughts shall we? Christians are cleansing the heart because what we store in our hearts—it soon radiates and bless others. Great day sweethearts!” pahayag ni Kathleen.
Humirit pa siya ng, “Oh and the groom who doesnt need double checking. He is always handsome.”
Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.