Bakit gustong baguhin ni Yeng Constantino ang ilang lyrics sa mga pinasikat niyang kanta, may isyu yarn? | Bandera

Bakit gustong baguhin ni Yeng Constantino ang ilang lyrics sa mga pinasikat niyang kanta, may isyu yarn?

Ervin Santiago - November 02, 2023 - 08:04 AM

Bakit gustong baguhin ni Yeng Constantino ang ilang lyrics sa mga pinasikat niyang kanta, may isyu yarn?

Yeng Constantino

MAY mga hit songs ang Kapamilya singer-songwriter na si Yeng Constantino na gusto niyang baguhin ang lyrics at atake para mas maging “in” sa panahon ngayon.

Pahayag ni Yeng, nais niyang gawan ng bagong version ang ilan sa mga pinasikat niyang kanta upang makasabay sa bagong henerasyon at sa edad niya ngayon.

Ito’y matapos ngang maibigay sa kanya ang full ownership ng lahat ng kantang isinulat niya mula pa noong magsimula siya sa music industry hanggang sa mga latest composition niya.

Baka Bet Mo: Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento

“Grabe ‘yung mga fans sobra akong natutuwa na nu’ng nalaman nila ‘yung balita na hawak ko na ‘yung catalogue, parang may personal favorites sila na ‘ate, gawan mo na ito ng bagong version, pwede po bang ire-lyric itong kantang ito.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


“That’s the good thing about owning your own songs,” ang pahayag ni Yeng nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

“Kasi may mga kanta talaga ako na nagki-cringe rin ako nu’ng pinapakinggan ko.

Baka Bet Mo: Coco sinigurong magkaiba ang atake sa Batang Quiapo at Probinsyano: ‘Kailangan nating makipagsabayan sa international’

“Alam mo ‘yung parang ang bata-bata mo pa nu’ng sinulat mo ‘yon kaya parang gusto mong i-update lang ng konti kasi very childish pa ‘yung point of view mo.

“Mayroon akong mga ganun na gustong i-relyric para appropriate naman sa age ko kapag kinanta ko siya,” paliwanag pa ni Yeng Constantino.

Recently lang ay inilabas ng award-winning singer at songwriter ang kanyang album na “Reimagined,” kung saan mapapakinggan ang mga re-recording ng ilan sa mga pinakasikat niyang kanta tulad ng “Salamat” at “Lapit.”

“Makalipas ang ilang taon, nasa pangangalaga ko na ang aking music catalogue.

“At dahil dyan binigyan ko ng bagong bihis ang ilan sa mga kantang minahal nyo galing sakin. Ito ang REIMAGINED. Unang limang kanta sa marami pang susunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Palagi akong magpapasalamat sa lahat ng suportang binigay at binibigay nyo sakin. Alay ko lahat ng ito sainyo Yengsters!” mensahe ni Yeng sa isa niyang Instagram post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending