Paolo Contis, Arra San Agustin trending matapos ang ‘lambingan’ moments sa ‘Eat Bulaga’, hirit ng netizens: ‘Co-hosting as a friend?’

Paolo Contis, Arra Agustin trending matapos ang 'lambingan' moments sa 'Eat Bulaga', hirit ng netizens: 'Co-hosting as a friend?'
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagiging sweet ng mga Kapuso stars at “Eat Bulaga” hosts na sina Paolo Contis at Arra San Agustin.

Isang video kasi ang kumalat sa TikTok kung saan makikitang humalik ang aktor sa noo ni Arra nang tangkain ng huli na pabirong amuyin ang suot niyang polo.

Kaya naman marami sa mga netizens ang napapatanong kung gimik lang ba ito para umingay ang noontime show o kung talagang may something na sa pagitan nina Paolo at Arra.

Aware naman ang lahat na girlfriend ng aktor ang kanyang naging leading lady sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.

Kaya hindi rin mapigilan ng ilan na magtanong kung kumusta na nga ba ang relasyon nina Paolo at Yen.

May ilan naman na nagsasabing baka may paprating na project ang dalawa at parte lang ito ng pagbi-build up ng kanilang love team.

Baka Bet Mo: Paolo Contis may plano naman daw pakasalan si Yen Santos: ‘Pupunta naman du’n pero marami pa akong dapat ayusin’

Sa katunayan, may mga kumakalat na rin accounts na “Official PaoRa”, pinagsamang pangalan ni Paolo at Arra.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

“May bagong bestfriend! Baka naman co-hosting as a friend lang sina Paolo at Arra HAHAHAHA.”

“Noontime show with a friend! Ganern!!!”

“Para paraan Ka Paolo.”

“Punta n sa Baguio as a friend.”

Wala pa namang pahayag sina Paolo at Arra hinggil sa isyung ito.

Nananatili namang bukas ang Bandera para sa pahayag ng dalawa ukol rito.

Related Chika:
Paolo Contis dumepensa sa pagiging host ng Eat Bulaga: ‘Wala kaming chance na palitan ang Tito, Vic & Joey’

Paolo Contis sa mga nagre-report ng socmed page ng ‘Eat Bulaga’: Hindi kami susuko!

Read more...