Ogie Diaz tinawagan ni Baron Geisler, nag-away nga ba?

Ogie Diaz tinawagan ni Baron Geisler, nag-away nga ba?

IBINAHAGI ng talent manager at kilalang personalidad na si Ogie Diaz ang pagtawag sa kanya ng award-winning actor na si Baron Geisler.

Sa kanyang latest episode ng “Showbiz Update” na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay naikuwento nga niya ang kanilang pag-uusap ng aktor.

“May chika ako. Nakakatuwa. Wala lang. Gusto ko lang ma-appreciate si Baron. Kasi si Baron, tumawag sa ‘kin,” panimula ni Ogie.

“Hindi ako inaway. Ang opening line ni Baron, ‘Hi, Mama Ogs.’ ‘O, Baron, kamusta ka na?’ ‘Okay naman, Mama Ogs, papunta ako ngayon sa isang event. Gusto lang kitang tawagan at gusto kong mag-thank you sa iyo’ sabi niya,” pagpapatuloy ni Ogie.

Sabi ng content creator, marami raw naging realizations si Baron at talagang inaayos na nito ang kanyang trabaho.

Kuwento raw ni Baron sa kanya, magsu-shoot raw itong muli para sa Kapamilya series na “Senior High”.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nanindigan sa ibinalita ukol kay Baron Geisler, walang dapat ihingi ng public apology: I stand by my story

 

“Sabi ko, ‘Tuloy tuloy mo na yan, Baron, kasi magaling ka eh nanghihinayang ako sayo pag hindi mo ginalingan’. E useless naman kasi ‘yung galing kung hindi mo sasabayan ng right attitude,” sey pa ni Ogie.

Sinang-ayunan naman daw siya ni Baron at sinabing hindi raw siya nagalit sa talent manager.

Singit naman ni Mama Loi, buti pa raw si Baron, hindi galit kay Ogie samantalang ang mga netizens ay gigil na gigil sa kanya.

“‘Yun nga, galit sa akin pero alam mo ‘yung mga netizens daw, kapag binabasa niya ‘yung mga comments sa kanya na ‘yung karamihan ay nanghihinayang para sa kanya na wini-wish pa siya ng good luck. Doon daw niya naramdaman na ang dami niyang supporters kasi pinupuri ‘yung acting niya. Ayaw daw niyang sayangin ‘yun,” lahad ng talent manager.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan na diumano’y may planong tsugiin ng produksyon ng “Senior High” si Baron dahil sa muling pag-inom nito ayon sa source ni Ogie.

Marami sa mga netizens ang nagsabing nagpapakalat ng “fake news” ang talent manager dahil nag-post pa nga si Baron ng updates sa kanyang social media accounts ukol sa pagpunta nito sa taping ng “Senior High”.

Samantala, nilinaw naman ni Ogie na ang sinabi niya ay may “plano” at hindi niya sinabing “tatanggalin”. Nanindigan rin ito sa kanyang mga pahayag mula sa kanyang source.

Related Chika:
Baron Geisler hindi totoong tinanggal sa ‘Senior High’, ayon sa talent manager

Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na

Read more...