Undas 2023…Yumaong young actor na si AJ Perez tuloy ang ‘pagpaparamdam’ sa pamilya: ‘Feeling namin he is just there, watching over us’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
AJ Perez
NANINIWALA ang pamilya ng yumaong young actor na si AJ Perez na kasa-kasama pa rin nila ang binata sa pamamagitan ng “pagpaparamdam.”
Napakaraming nagluksa at nanghinayang nang mamatay si AJ noong April 11, 2011 matapos maaksidente. Siya ay 18 years old lamang nang sumakabilang-buhay.
Isa si AJ noon sa mga most promising youngstars ng ABS-CBN at ginu-groom na that time bilang Kapamilya leading man. Ngunit hindi na nga ito natuloy dahil sa kanyang maagang paglisan.
Ayon sa nanay niyang si Gng. Marivic, tila naghabilin na raw sa kanya ang anak bago pa mangyari ang malagim ba aksidente.
“That time few days before he passed away. All the way home, he was having fun may music na nag-play sa car. Sabi niya mag-freestyle ka nga mom.
“Ako naman ang join lang sa kanya. And then sabi ni AJ, ‘Mom, kaya mo pala, e. E pwede ka pa.’ I think that was the ano, keep on dancing,” ang pagbabahagi ng ina ni AJ sa panayam ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo para sa programang “Tao Po.”
Hanggang ngayon ay talagang nangungulila pa rin ang pamilya ni AJ sa maaga niyang pagkawala. Sabi pa ni Gng. Marivic, “I miss you so much AJ, I wish you’re still with us. It’s okay, I know you’re happy there.
“I hope that you continue guiding me, and your dad, and Gelo. Losing a child is so difficult.
“As long as your child is in our hearts, it will be easier for us to keep all the beautiful memories of our child,” pag-amin pa niya
At ayon nga sa ina ng aktor, sa pamamagitan pagpaparamdam at ilang natatanggap na mensahe, naniniwala silang hindi pa rin sila iniiwan ng anak, lalo na sa mga panahong kailangang-kailangan nila ng guidance.
“For that time na medyo confused ka, you’re not sure if ito ba ‘yung right decision, that you have to decide na gagawin mo, so doon sa mga passages, Bible, any book na may meaning, nare-relate ko siya.
“Na I think this is AJ’s message to me. ‘Yun ‘yung mga ways, connection na nandoon. Like through music, kapag narinig ko ang music, it’s just meaningful for me, mga music na gusto niya.
“Feeling namin he is just there guiding us. Watching over us. Ang ano niya, pagmamahal niya nandoon pa rin,” kuwento pa ng ginang.
Pahayag pa niya, malaking tulong raw ang palaging pag-alala sa mga magagandang memories nila kay AJ para maibsan ang nararamdaman nilang kalungkutan at pangungulila.
“Not everyday would be sasabihin natin na okay tayo. May moments na we miss them.
“We just have to be more focused on the beautiful memories that we had together as a family. Iyon lang talaga ang babalikan natin,” ang pagbabahagi pa ng nanay ni AJ sa naturang panayam.