Ruru Madrid kinarir ang hand combat, motocross, martial arts para sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Black Rider’: Ibubuhos ko lahat para rito!

Ruru Madrid kinarir ang hand combat, motocross, martial arts para sa mga buwis-buhay na eksena sa 'Black Rider': Ibubuhos ko lahat para rito!'

Ruru Madrid

NGAYONG November 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na “Black Rider.”

Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya.

Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Abangan din si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Si Ruru ay si Elias Guerrero, isang motorcycle driver ng delivery app na Biyahero. Hindi magtatagal ay magkakaroon siya ng isa pang pagkatao – si “Black Rider,” isang vigilante na lalaban sa kilalang sindikato na Golden Scorpion.


Kilala sa kanyang hilig na gumawa ng sarili niyang mga stunt, nagsanay ang homegrown Kapuso actor sa hand combat, motocross, at martial arts para sa fight scenes ng Black Rider. Itinuturing ni Ruru ang “Black Rider” bilang isang dream come true project.

Baka Bet Mo: Pagkanta ni Julie Anne ng ‘Voltes V: Legacy’ theme song pak na pak sa mga fans: ‘Proud moment for me!’

“Excited na po ako na ibahagi sa inyo ang Black Rider, ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs kung saan pinagsama-sama ang mga artista mula sa iba’t ibang henerasyon.

“Isang karangalan na makasama ko ang mga tinitingala kong artista sa napakalaking proyektong ito.

“Maraming salamat, GMA Network, GMA Public Affairs, at Sparkle GMA Artist Center sa pagtupad sa aking pangarap na makagawa ng isang full-action series. Ipinapangako ko sa inyo na ibubuhos ko ang lahat para sa programa na ito,” pagbabahagi ni Ruru.

Samantala, ang “Black Rider” ang nagsisilbing pinakamalaking proyekto ni Matteo pagkatapos niyang bumalik sa Kapuso Network.

“It’s a very nice feeling to get back, working on the craft again,” sabi ni Matteo, na gumaganap bilang Paeng Policarpio, isang matapang na pulis na may malalim na kaugnayan kay Elias.

Nagbabalik din sa paggawa ng teleserye sa GMA si Yassi, na mapapanood bilang si Vanessa “Bane” Bartolome. Si Bane ay isang small time na magnanakaw. Magkukrus ang kanilang landas ni Elias. Mayroon din siyang madilim na nakaraan na kinasasangkutan ng Golden Scorpion.

Nagpapasalamat si Yassi sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa GMA, “It’s nice that everybody is kind, everybody is still warm.


“Pagdating din sa set namin, ang warm din ng mga tao,” say ni Yassi na excited na raw ipakita ang “badass” side ng kanyang karakter.

Ang homegrown GMA actress naman na si Katrina ang gaganap bilang si Rona Marie Ana “Romana” Tolentino, isang vigilante na makakasangga ni Elias sa paglabas sa Golden Scorpion.

Baka Bet Mo: Delivery Rider ibinandera ang ‘Cum Laude’ niyang anak sa trabaho viral na: ‘Nakaka-proud maging magulang!’

“I am happy and excited to return to primetime and this time, for a full-action drama series alongside great actors,” pagbabahagi ni Katrina na tiyak na magpapamalas ng kanyang fierce action skills sa serye.

“Nag-train po kami para sa aming mga karakter sa seryeng ito kaya naman sana po ay suportahan ninyo ang Black Rider,” aniya pa.

Tampok sa “Black Rider” ang pinagsamang grupo ng mga young at veteran actors kabilang ang mga iconic action stars na sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Raymond Bagatsing, Isko Moreno, Monsour del Rosario, at Roi Vinzon; gayundin ang mga batikang aktor na sina Rio Locsin, Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, at Almira Muhlach.

Gagampanan naman ni Jon Lucas si Calvin Magallanes. Kahit pareho silang mahusay sa motorsiklo ni Elias, mas pinaiiral ni Calvin ang ambisyon at uhaw sa kapangyarihan sa loob ng Golden Scorpion.

Nakatakdang gawing miserable ang buhay ni Elias ng mga Golden Scorpion Boys na sina Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos.

Makakasama naman ni Elias bilang Biyaheros sina Empoy Marquez, Janus del Prado, at Rainier Castillo.

Magdadagdag kulay sa serye ang mga sikat na komedyante na sina Empoy at Jayson Gainza; gayundin ang paboritong rapper ng Gen Z na si Shanti Dope, social media stars na sina Pipay at si Ashley Rivera, drag queen Turing, Sparkle artists Prince Clemente and Mariel Pamintuan at young love team nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Ang “Black Rider” ay sa direksyon nina action director Erwin Tagle, and master directors Rommel Penesa (Lolong) at Richard Arellano.

Abangan ang world premiere ng “Black Rider” ngayong November 6, 8 p.m. sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream.

Read more...