Delivery Rider ibinandera ang ‘Cum Laude’ niyang anak sa trabaho

Delivery Rider ibinandera ang ‘Cum Laude’ niyang anak sa trabaho viral na: ‘Nakaka-proud maging magulang!’

Pauline del Rosario - September 04, 2023 - 05:04 PM

Delivery Rider ibinandera ang ‘Cum Laude’ niyang anak sa trabaho viral na: ‘Nakaka-proud maging magulang!’

PHOTO: Courtesy Mark Palanca

NAKAKAANTIG damdamin ang ibinandera ng isang netizen sa social media matapos nitong madaanan ang isang rider na proud na proud sa achievement ng kanyang anak habang siya’y nagtatrabaho.

Ayon sa Facebook post ng uploader na si Mark Palanca, nadatnan niya si kuya rider sa daan habang pauwi na siya noong August 25.

“’Yung pagod ka galing trabaho tas makikita mo ‘to. Nakakaproud maging magulang na lumalaban araw araw,” caption nito.

Nakausap ng BANDERA si Mark at sinabi niya sa amin na talagang na-inspire siya sa kanyang nakita kaya naisipan niya rin itong ibandera sa social media.

“Sinaluduhan ko siya at binusinahan along Ortigas Avenue Cainta, then nag-abot kame sa trapik sa junction kaya nakakuha ako ng tiyempo na makuhaan siya,” Kwento ni Mark.

Baka Bet Mo: Kyle napalaban kay Piolo sa matinding aksyon sa ‘The Ride’: ‘Siyempre na-pressure ako…Papa P na ‘yon, sobra!’

Siyempre hindi rin naming nakaligtaang hanapin at makachikahan ang mismong bida sa viral post – ang rider na si Emer Mallanao, pati ang anak niya na nakapaskil sa kanyang delivery box na si Sophia.

Kwento sa amin ni Sophia, hindi niya akalain na gagawin iyon ng kanyang tatay at nagulat nalang daw siya nang makitang nakabalandara na ang kanyang mukha.

“At first po, akala ko po nagbibiro lang po si papa na ilalagay niya po ‘yung picture ko sa box po at gagawing ID…pumasok po ako sa work ko and pag-uwi ko po at ni papa nakita ko nalang po na ginawa niya po talaga ‘yun,” chika niya.

Nang tanungin naman namin kung ano ang reaksyon nila na nag-viral sila sa social media.

Sey nila, “Masaya po kasi naisip po namin na ang pagiging viral namin ay magbibigay sa amin ng maraming opportunity.”

Si Sophia ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Rizal Technological University sa Mandaluyong noong August 30.

As of this writing, ang viral post ng mag-ama ay umaani na ng mahigit 1.7 million likes at 32,000 shares.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jasmine nag-explain nang talakan ng netizens matapos ireklamo ang delivery rider

Bea namigay ng pera sa mga kasambahay, delivery rider para sa Labor Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending