Andrew Schimmer bet makita at makasama uli ang namayapang partner na si Jho Rovero: 'Dame akong chismis mami, daan ka ha kahit saglit lang' | Bandera

Andrew Schimmer bet makita at makasama uli ang namayapang partner na si Jho Rovero: ‘Dame akong chismis mami, daan ka ha kahit saglit lang’

Ervin Santiago |November 01,2023
facebook
share this

Andrew Schimmer bet makita at makasama uli ang namayapang partner na si Jho Rovero: ‘Dame akong chismis mami, daan ka ha kahit saglit lang’

Ervin Santiago - November 01, 2023 - 07:13 AM

Andrew Schimmer bet makita at makasama uli ang namayapang partner na si Jho Rovero: 'Dame akong chismis mami, daan ka ha kahit saglit lang'

Andrew Schimmer at Jho Rovero

MAG-IISANG taon nang namayapa ang partner ng aktor at negosyanteng si Andrew Schimmer ngunit hanggang ngayon ay matindi pa rin ang nararamdaman niyang pangungulila.

Bago sumapit ang Araw ng Mga Patay, ipinaramdam muli ni Andrew sa kanyang yumaong partner na si Jho Rovero ang kanyang abot-langit na pagmamahal.

Nitong nagdaang October 28, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagbahagi ang aktor at bodybuilder ng litrato nila ni Jho noong naka-confine pa ito sa ospital.

Sa caption, sinabi niyang miss na miss na niya si Jho ngayong halos mag-iisang taon na itong namayapa.

Humiling pa nga siya na sana’y dalawin siya ni Jho ngayong Undas kahit sa panaginip lamang dahil marami raw siyang nakahandang kuwento.


Inihanda na rin daw niya ang wine glass ni Jho sakaling magpakita nga ito sa kanya. Narito ang kabuuang FB post ni Andrew para kay Jho.

“Happy Halloween my dear…

“It’s almost been a year since that day.

“I miss you. (sad face emoji).

“Daan ka naman sakin, dame ko gusto kwento sayo. (sad face emoji).

Baka Bet Mo: BANDERA naging daan para matupad ang wish ng estudyante na gustong maging scriptwriter… salamat kay Direk Benedict Mique

“Dame akong chismis sayo mami, daan ka ha kahit saglit lang…

“Naka ready na yung wine glass mo. I will wait. (crying, wine glass emojis),” mensahe pa ni Andrew.

Matatandaang sumakabilang-buhay si Jho noong December 20, 2022, matapos makipaglaban sa kanyang sakit na severe hypoxemia na nagkaroon na ng iba’t ibang kumplikasyon.

Bago pumanaw si Jho, noong December 12, 2022, ibinandera pa ni Andrew na naghahanda na siya sapagpapakasal sana niya kay Jho.

Ngunit sa kasamaang-palad, hindi na ito nangyari dahil namaalam na nga sa mundo si Jho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa FB page ng aktor, madalas din siyang mag-post ng mga quotes na may kauganyan sa mga misis at partner sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending