Osang may hugot sa relasyon nina Kiko at Sharon: 'Showbiz is not forever...family is forever!' | Bandera

Osang may hugot sa relasyon nina Kiko at Sharon: ‘Showbiz is not forever…family is forever!’

Reggee Bonoan |October 30,2023
facebook
share this

Osang may hugot sa relasyon nina Kiko at Sharon: ‘Showbiz is not forever…family is forever!’

Reggee Bonoan - October 30, 2023 - 01:23 PM

Osang may hugot sa relasyon nina Kiko at Sharon: 'Showbiz is not forever...family is forever!'

Rosanna Roces, Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

MARAMI kaming nabasang kinilig at natuwa sa ginanap na “Dear Heart” concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta plus KC Concepcion, patunay lang na hanggang ngayon ay marami pa ring supporters ang dating mag-asawa.

At siyempre ang pinakamasaya at sobrang kinilig to the max nu’ng gabi ay ang nag-iisang anak nina Sharon at Gabby na si KC dahil sabi nga niya hindi niya inaasahan na muli niyang makikitang magkasama sa entablado ang kanyang magulang dahil alam naman ng lahat ang pinagdaanan ng dalawa.

Sa unang pagkakataon ay hindi nanood ang mag-aama ni Sharon sa nasabing concert at nagpasintabi na siya sa  mediacon ng “Dear Heart” na hindi nga sila manonood.

Pagkatapos ng show ay dumiretso agad ng uwi ang Megastar at sinalubong naman siya ng asawang si dating Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Baka Bet Mo: Sharon buking kay Osang: ‘Kapag ayaw niya sa ‘yo, ayaw niya sa ‘yo! Pero pag nagustuhan ka niya sobra naman talaga!’

Ipinost ng senador ang larawang magkayakap silang mag-asawa at ang caption ay, “Kapag natapos na ang oras sa trabaho.”

Sinusugan din ito ni Rosanna Roces na “lablab” ni Sharon. Ito ang term of endearment nila noong magkasama sila sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Ni-repost ni Osang ang larawang magkayakap sina Sharon at Kiko na may caption na, “Ito ang hindi maiintindihan ng mga haters…na kesyo pati feelings ng mga partners ng dating mag-asawa pinakikialaman.

“Ganito kasi ‘yan…sa likod ng ingay…rehearsals..pagod sa promo at sa gabi ng actual show mayroon tayong isang Tao na inuuwian..sila ang may hawak ng kapayapaan at katahimikan ng puso. They are what we call HOME.

“Everythings alright pag kapiling na natin sila. Naglalaho lahat ng ingay at pagod. Sila ‘yung pinili natin maging Pamilya dahil after all..Showbiz is not Forever….Family is Forever (three red hearts emoji).

“Maging masaya na lang tayo at napagbigyan ang hiling ng mga fans at ng kaisa-isa nilang anak na sana ay mapagsama kahit sa entablado lang ang kanyang ama at ina. Isa ring patunay ito na walang gusot ang di maaayos kung magkakaunawaan lang lahat.

“One Love…Peace out,” ang mensahe ni Osang.

Sinang-ayunan naman ito ng followers ng aktres.

Baka Bet Mo: Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Sabi ng dating aktres na si Rita Magdalena @itsmetarits, “Very well said! Home is where the heart is! Pero ang sexy na ni Mega nakakahiya kailangan ko ng mag papayat!”

Say naman ng netizen na si @gumiho702, “Awww ty osang for loving ate Shawie!”

Gayun din si @jnce2323, “True po.”

Mula kay @sandrafenavarro, “A loving husband is Gods great gift to us.”

Say ni @rochelle5755, “Louder for those in the back po!”

Sabi rin ni @mjcahipe_tmu18, “Indeed!! LOUDER PLEASSSSS TITA @therealrosannaroces.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pa kaming nabasang comments na sang-ayon sa komento ni Osang para kina Sharon at Kiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending