Janet Lim Napoles kulong ng 108 years dahil sa graft, malversion ng PDAF

Janet Lim Napoles, dating kongresista na si Arrel Olaño ‘guilty’ sa PDAF Scam –Sandiganbayan

Janet Lim Napoles

GUILTY ulit ang naging hatol ng Sandiganbayan laban sa kasong graft ng mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sa pagkakataong ito, ang hatol ay nauukol sa isa pang kaso na kinasasangkutan ng isang dating mambabatas sa Ilocos Sur na pinawalang-sala ng anti-graft court.

Bukod kay Napoles, kasama rin sa hinatulan ng dalawang bilang ng graft at malversion ay sina Belina Agbayani Concepcion at Godofredo Roque.

Base sa inilabas na desisyon ng Special Second Division ng Sandiganbayan, ito ay dahil sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Ilocos Sur First District Representative Salacnib Baterina na nagkakahalaga ng P25 million na inilipat sa Kaagapay Magpakailanman Foundation Incorporated (KMFI) noong 2007.

Baka Bet Mo: Herbert Bautista, dating city administrator nahaharap sa kasong graft

Samantala, nauna nang hinatulang guilty si Napoles sa isa pang kaso ng graft at malversation, kung saan kasama niya sina Maria Rosalinda Lacsamana at Evelyn de Leon.

Involved sa nasabing kaso ang paglipat ng P10 million PDAF ni Baterina sa Philippine Social Development Foundation Incorporated (PSDFI).

Ang KMFI at PSDFI ay ang mga bogus na non-government organizations (NGOs) na nilikha ni Napoles para magsagawa ng mga ghost project gamit ang PDAF ng mga mambabatas.

Sina Concepcion at Lacsamana ay mga opisyal ng Technological Livelihood Research Center (TLRC), habang sina Roque at de Leon ay sinasabing mga kasama ni Napoles.

Inatasan na sina Napoles, Concepcion, at Roque na ibalik sa gobyerno ang P25 million.

Sa kabilang banda, sina Napoles, Lacsamana, at de Leon ay inatasan na bayaran sa gobyerno ang P10 million.

Si Baterina naman ay napawalang-sala dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Gayunpaman, ang dating mambabatas ay inutusang mag-contribute sa pagsoli ng perang nawala ng gobyerno dahil sa mga transaksyon.

Para sa two counts of graft na may kinalaman sa paglipat ng pera sa KMFI, sinentensiyahan sina Napoles, Concepcion, at Roque ng parusang pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang buwan hanggang 10 taon bawat bilang.

Para sa two counts of malversation na may kinalaman pa rin sa KMFI, si Napoles, Concepcion, at Roque ay hinatulan ng reclusion perpetua o pagkakakulong na aabot ng 30 years.

Sina Napoles, Lacsamana, at de Leon ay magsisilbi rin ng sentensya ng pagkakulong na hindi bababa sa anim na taon at isang buwan hanggang 10 taon para sa paglipat ng pondo sa PSDFI.

Dahil din sa kaso, ang tatlo ay may reclusion perpetua dahil sa kasong malversation.

Sa kabuuan, magsisilbi si Napoles ng 108 years ng pagkakakulong dahil sa pork barrel scandal.

Read more:

Roderick Paulate bigo sa Sandiganbayan, apela ibinasura

Kim Molina maligayang-maligaya pa rin sa piling ni Jerald Napoles kahit hindi pa kasal: ‘l do believe that being happy is a decision’

Read more...