Rendon Labador may balak nga bang pasukin ang mundo ng politika?

Rendon Labador may balak nga bang pasukin ang mundo ng politika?

INAMIN ng social media personality na si Rendon Labador na bukas siya sa posibilidad na pasukin ang mundo ng politika.

Sa kanyang panayam kay Anthony Taberna sa “Tune In Kay Tunying Live” noong Huwebes, October 26, ay diretsahang tinanong ang social media personality at self-proclaimed motivational speaker kung bet ba nitong pasukin ang pagpa-public service.

Sa kabila kasi ng mga taong naiimbyerna kay Rendon ay hindi naman maikakaila na matunog ang kanyang pangalan sa social media.

“Teka muna, magpopolitiko ka rin ba?” tanong ni Ka Tunying. “Baka makita ko kumakandidato kang senador ah.”

Sagot naman ni Rendon, “Wala pa. Hindi ko sinasara yung option na yan pero wala pa sa isip yan sa ngayon.”

Naikuwento rin ng social media personality kung sino nga ba siya bago pa siya nakilala sa social media.

Baka Bet Mo: Rendon Labador inireklamo matapos mag-FB Live sa pag-raid ng PNP sa isang online lending company; iimbestigahan ng Anti-Cybercrime Group

 

“Anak po ako ng general. Pinalaki talaga kami ng military discipline. Syempre kapag anak ka ng general, mataas yung expectation sa’yo. So, ayun yung ginawa sa amin tapos hilig ko lang kasi noon nagi-gym lang ako, happy go lucky, so minamaliit kami,” pagbabahagi ni Rendon.

Dagdag pa niya, “Ang sabi sa akin ni erpat, ‘kaya ka lang kinakaibigan ng mga kaibigan mo ngayon dahil general ako. Ikaw, wala kang kwenta. Who you ka. Kapag ako nag-retire or nawala na ako, wala nang papansin sa’yo. Pinapansin ka lang ng tao dahil may makukuha sila sa’yo.’ So, nung sinabi sa akin ng erpats ko yun. Napaisip ako. Bata pa lang ako nagising ako sa katotohanan. So, doon ako nagsimulang mangarap.”

Chika pa ni Rendon, hindi niya hahayaan ang sarili na maging “nobody” at nais niyang ibandera sa mga kabataan ang naging pagpapalaki ng mga magulang niya sa kanya.

Sinimulan raw niya ang pagmo-motivate sa mga tao noong 2014, kasagsagan ng pagsikat ng Facebook.

Nagbunga naman ang pagsisikap ni Rendon dahil matapos ang ilang taon ay nakilala siya sa social media.

Kamakailan nga ay nakipag-collaborate ito sa PNP Anti-Cybercrime Group ngunit sa kabila ng magandang hangarin niya ay naging kontrobersiyal ang kanyang live stream ukol sa ginawang raid ng PNP Anti-Cybercrime.

Lahad ni Rendon, “GALIT NA GALIT sa akin ang mga kamag anak at kapamilya ng mga napasama sa PNP ACG operations kanina!

“Naintindihan ko ang damdamin ng mga kapamilya at mga magulang ng mga naisama sa operations ng PNP ACG kagabi, pero isipin din natin na kailangan itong mapigilan dahil MAS MARAMING kababayan natin ang nasisira ang mga buhay.”

Related Chika:
Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

Rendon Labador nagulat kay Cristy Fermin: Akala ko patay na ‘to

Read more...