4 na bagong Sang’gre kumpleto na, ipinakilala sina Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian

4 na bagong Sang’gre kumpleto na, ipinakilala sina Faith Da Silva, Kelvin Miranda, Angel Guardian

PHOTO: Instagram/@faithdasilva

SA wakas, kumpleto na ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante o tinatawag na “Sang’gre” na bibida sa inaabangang bagong yugto ng iconic telefantasya na “Encantadia.”

Ang mga bibida sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ay sina Faith Da Silva na magmamana ng Brilyante ng Apoy bilang si “Flamarra,” kay Kelvin Miranda ang Brilyante ng Tubig bilang si “Adamus,” at si Angel Guardian ang gaganap bilang “Deia” na tagapagmana naman ng Brilyante ng Hangin.

Kamakailan lang, unang ipinakilala ang aktres na si Bianca Umali na gaganap bilang si “Terre,” ang nawawalang anak ni Sang’gre Danaya na ginampanan ni Sanya Lopez sa huling version ng nasabing action-fantasy Kapuso series.

Sa naging interview ng news program na “24 Oras,” sinabi nina Faith, Kelvin at Angel na kasalukuyan na nilang pinaghahandaan ang pagiging Sang’gre.

Kabilang sa mga pinag-aaralan na nila ay ang lenggwaheng Enchan ng mga taga-Encantadia.

Naikwento rin ni Angel na nagkita na sila ng batikang aktres na si Iza Calzado, ang unang gumanap bilang Deia.

Baka Bet Mo: Avisala! Bianca Umali ipinakilala na bilang bagong Sang’gre ng Encantadia, ang nawawalang anak ni Danaya

Para naman kay Kelvin, isang big break ang ibinigay na role sa kanya.

“Hindi po kasi natin sigurado kung kailan darating sa ‘yo ‘yung ilaw mo, ‘yung spotlight mo. Parang ang dami munang pagsubok na darating para makita mo siya,” sey niya.

Magugunitang sinabi ni Bianca sa isang interview na kinakarir na niya ngayon ang pagte-training para sa maaaksyong eksenang ipagagawa sa kanya sa serye.

“The way I’m preparing for this is as if I’m preparing for a Marvel movie. Ganoon ko po siya pinaghahandan.

“I am preparing my physique for it, I’m preparing my skills for it, and I have been studying everything about Encantadia,” aniya pa.

Inamin ng girlfriend ni Ruru Madrid na ikalawang version pa lang ng “Encantadia” na ginawa noong 2016 ay gustung-gusto na niyang makasama sa programa.

Ang bumida sa “Encantadia” noon bilang mga Sang’gre ay sina Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya), Gabbi Garcia (Alena), at Glaiza de Castro (Pirena).

Related Chika:

Read more...