Sikat na aktor at aktres ayaw nang kuning endorser ng kilalang damit dahil sa taas ng talent fee, sino kaya sila?

NAGULAT ang executive ng kilalang brand ng damit nang malaman niya ang talent fee ng aktor at aktres dahil sobrang taas at sa tingin niya ay presyong ayaw dahill sikat sila at may mga ini-endorso na rin.

Sinubukan ng staff ng executive kung makakatawad sila sa TF nang dalawang artista pero sinagot sila ng handlers na iyon na raw ang rate ng dalawa.

At dahil hindi na raw makatarungan ang hinihinging talent fees ng dalawang artista kaya nagsabi na ang executive na i-inquire na lang ‘yung iba pang artists ng network na hindi man ganu’n kasikat, pero masipag mag-post sa kanilang social media para sa mga ini-endorso nilang produkto.

Baka Bet Mo: Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

“May nakausap na kami at ang daling ka-negotiate nu’ng handler nagbigay kaagad ng presyo at walang masyadong hinihingi during shoot, gusto lang sarili-sarili nila ang make-up artists nila hindi provided ng ad agency.

“Done deal na at inihahanda na ang contract signing nina (aktor at aktres) at may media coverage pa, quiet ka lang ha kapag nandoon ka sa presscon,” bilin ng staff ng executive ng kilalang brand ng damit.

Biro nga namin kung imbitado kami, e, parang may sariling grupo naman ang publicist na hahawak ng event.

Anyway, nagulat ang staff nang biglang tumawag ang handler ng aktor na una nilang in-inquire ang talent fee at sumunod na rin ang handler ng unang aktres din na pumayag na sa tawad nila pero napakarami ng hinihingi at sinagot na lang daw na may nakuha na sila.

“Sabi ni (handler) baka raw puwedeng habulin, ha, ha, ha,” tumawang sabi ng staff ng executive.

Totoo talaga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi, pera na naging bato pa.

Related Chika:

Bea nanghihiram lang ng damit sa kapitbahay pag may shooting: Tapos yung nanay ko bumibili rin sa Divisoria kasi mura du’n

Read more...