‘CIA with BA’ nominado bilang Best Talk Show sa 45th CMMA, paalala ng mga host: 'Du'n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala' | Bandera

‘CIA with BA’ nominado bilang Best Talk Show sa 45th CMMA, paalala ng mga host: ‘Du’n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala’

Ervin Santiago |October 25,2023
facebook
share this

‘CIA with BA’ nominado bilang Best Talk Show sa 45th CMMA, paalala ng mga host: ‘Du’n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala’

Ervin Santiago - October 25, 2023 - 07:42 AM

‘CIA with BA’ nominado bilang Best Talk Show sa 45th CMMA, paalala ng mga host: 'Du'n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala'

Boy Abunda, Pia at Alan Peter Cayetano

NOMINADO ang “CIA with BA” sa ika-45 Catholic Mass Media Awards (CMMA) para sa kategoryang Best Talk Show.

Ito ang kauna-unahang nominasyon na nakuha ng public service program na pinangungunahan ng magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at award-winning host na si Boy Abunda mula nang umere ito nitong Pebrero, 2023.

Habang ipinagpapatuloy ng programa ang legasiya ng yumaong si Sen. Rene Cayetano, ipinagdiriwang rin nina Alan Pia at ng mga producer mula sa Infinite Monkeys Digital PR and Communications, Inc. ang nominasyon na nakuha ng “Compañero: Remembering Sen. Rene Cayetano (Christmas Special)” para sa Best TV Special sa CMMA.

“Alam kong pinananood tayo ni Daddy at ang palaging habilin niya at palagi nating sinasabi sa tuwing natatapos ang show, ‘wag magpaapi, alamin ang batas,” sabi ni Pia sa pinakahuling episode kung saan nagdiwang rin ng ika-53 kaarawan si Sen. Alan kasama ang co-hosts, pamilya at ang studio audience.

Baka Bet Mo: Erap kinanta ang favorite song matapos bumuti ang kundisyon; pamilya nag-alay ng healing mass

Para naman kay Alan, ipinaalala niya sa mga tumatangkilik sa programa na, “Kung may legal na kaalaman, mas mailalaban ang karapatan.”

“Du’n po tayo sa tama dahil sa batas, wala tayong kawala,” sabi naman ni Boy Abunda.

Sa mga nagdaang taon, layunin ng CMMA na i-promote ang values-filled na mass media, mapa-telebisyon, radyo, print media, advertising, musika at marami pang iba.

“Every finalist has proven their dedication to delivering excellence in their respective fields,” sabi ng organisasyon nang ianunsyo ang mga nominado.

‘Wag palagpasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at Boy, tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending