Kitang-kita sa itsura at awra ng Box-Office King at award-winning actor ang kaligayahan nang mag-guest siya kahapon sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7.
Sa pagbubukas ng programa, tinanong agad siya ni Tito Boy ng, “Are you happy?” Na sinagot niya ng, “Sobra! Lalo na today ang dami kong nakitang mga tao. Wow! Talagang naks! Alam ko, paghiga ko mamaya, maganda itong araw na ito.”
Mas lalo pang na-excite si Lloydie nang mapadako ang usapan tungkol sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias. Aniya sa pagiging tatay ng super cute na bagets, “Sobrang panalo. Napakasuwerte ko.
“Yun ang naging pinaka-role niya sa buhay ko, nung dumating na siya. Yun talaga yung wow! Siguro yung pinakasimpleng maipapaliwanag ko is, si Elias, parang iniligtas niya yung buhay ko.
“Hindi ko ma-imagine yung buhay ko kung paano magtutuloy kung hindi dumating si Elias. Ang dami niyang ibinigay na bago. Bagong kahulugan, bagong duties, all of sudden, iba na yung tingin mo sa lahat,” sey ng aktor
Sa tanong ni Tito Boy tungkol sa co-parenting agreement nila ni Ellen kay Elias, nagpakatotoo sa kanyang sagot si Lloydie, “It’s a little bit of a challenge. Ayokong i-sugarcoat kasi ayokong mag-pretend.
“We’re co-parenting, but depende sa definition ng co-parenting. Ako, from my end, to simplify, paano ko ba siya pinapalaki? Siguro yung to live without imposing.
“Gusto ko siyang tanungin and gusto ko siyang mag-develop ng sarili niyang capacity to decide on certain things. Siyempre yung mga bagay na hindi pa niya kayang desisyunan, yun ang role namin,” pagbabahagi pa ni John Lloyd.
Saad pa niya, “Sa nakikita ko naman, napakasuwerte ko. Marami diyan, yung similar cases kagaya sa akin, much, much lesser yung time with the child or have a small time sa call.
“Kaya napakasuwerte ko, kaya ako ay nagpapasalamat kay Ellen, kay Derek dahil iniisip nila yung kapakanan ng bata,” sabi pa ng aktor.
Dagdag pa niya, “Lahat ginagawa namin. Lahat pinag-uusapan namin. We’d like to talk about animals. We’d like to talk about the universe, we talk about the planets.
“Ayoko ring tanungin, medyo malupit na. Sabi niya, ‘Saan tayo nagdarasal? Who do we pray to?’ Sabi ko, ‘God.’ Sabi niya, ‘E, si God, kanino nagdadasal?’ Naihi yata ako, umalis ako!” ang sey pa ni John Lloyd sabay laugh!
“Ang dami kong learnings din kay maliit (Elias). Ang dami niyang itinuturo sa akin na bago at makabuluhan at elemental sa edad ko ngayon. Napaka-powerful nila,” lahad ni Lloydie.
At sa tanong kung dumating na yung panahong magkaroon din ng interes si Elias sa showbiz, “Like I said, live without imposing. Ang mas nakikita ko is yung elemental, yung time, yung timing.
“Kung ngayon, kung may makita ka, hindi ako sure pero mas gusto kong sundan kung ano yung… kung mahilig siya sa sports. Kung anuman yung kakahiligan nung bata.
“Ang pinakawindang talaga ako is nu’ng dumating siya, ang daming sagot na nag-surface. Na, bago yung wala pa siya, yun ang hinahanap ko.
“And then, ibibigay siya sa yo na napakasimple lang. Ganoon lang pala yon. Ang dami kong dinaanan. I always tell him, ‘I think okay yon.’ Ayoko kasing mag-encourage, siyempre kanya-kanya naman ang bawat relationships.
“Ako, when I appreciate it, I tell him, ‘Anak, ha, thank you. Thank you for today, anak.’ At night, when we say our last words for the day, laging kasama yon. We thank each other,” pagbabahagi pa ni John Lloyd Cruz.