Ogie Diaz nanindigan sa ibinalita ukol kay Baron Geisler, walang dapat ihingi ng public apology: I stand by my story

Ogie Diaz nanindigan sa ibinalita ukol kay Baron Geisler, walang dapat ihingi ng public apology: I stand by my story
MULING nanindigan ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang naunang ulat hinggil sa planong pagtanggal kay Baron Geisler sa Kapamilya series na “Senior High”.

Marami kasi ang nagsasabing “fake news” raw ang talent manager at inuutusan itong mag-issue ng public apology kaugnay sa inilabas na balita na may plano ang “Senior High” production na tanggalin ang aktor dahil sa isyu ng pag-inom.

“Magpapaalam daw [sa Senior High]. Nagpaalam sila sa prid na ilang linggo ata o [kung] gaano katagal mawawala si Baron dahil mayroon siyang dalawang pelikulang gagawin… May clearance,” saad ni Ogie.

Dagdag naman ni Mama Loi, “Binigyan ng clearance pero pagkatapos raw ng mga projects, babalik daw sa Senior High sabi ng manager na si Arnold Vegafria.”

Sey pa ni Ogie, “Ito ay para pabulaanan ang lumabas na tinerminate daw si Baron.”

Dito ay nilinaw ni Mama Loi na wala namang sinabing “terminate” ang talent manager at ang nabanggit nito ay “planong alisin” ang aktor dahil pinag-iisipan raw na tsugiin si Baron dahil sa hindi magandang ugali tueing nakakainom.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Ogie Diaz sa patutsada ng tatay ni Liza: ‘Dapat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng pang-iintriga o away’

 

“Kasi mayroong ibang write ups na parang napalala ‘yung isyu. Siguro ‘yun ang inaano ni Arnold Vegafria at nag-heart to heart talk naman daw sila kaya ibinalik niya si Baron sa kanyang management pero wala po akong dapat i-public apology. I stand by my story,” sey ni Ogie.

Giit pa niya, “‘Yun nga ang lagi kong sinasabi. E di patunayan ni Baron na mali ang mga nakakarating sa atin mula sa ilang production staff, mula sa ilang mga artista sa Senior na halos pare-pareho ang kwento tungkol sa kanya. Hindi naman siya sinisiraan. Sinasabi lang naman nila ‘yung nagaganap at ‘yung ginagawa ni Baron.”

Kaya rin daw sinasabi na takot sa kanya ang mga young stars sa set lalo na kapag nakakainom at ibinabalita lang naman daw nila Ogie ang nakakarating sa kanila.

“Sabi ni Baron doon sa kanyang message, maganda daw ang relasyon niya doon sa mga bata. Wala raw siyang isyu kahit kay Andrea Brillantes ay nagtataka.

“Ito nga (sabay basa ng mensahe ni Baron) sabi niya, ‘Natawa si Blythe sa isyu pati na ‘yung mga bata na kasama niya’. Kaeksena raw niya noong Monday si Blythe. Sabi ni Blythe, ‘O bat kasama na naman ako sa isyu na yan?'” kuwento ni Ogie.

Nilinaw naman nila na wala silang binanggit na Blythe o kung sinumang artista sa kanilang balita.

“Lahat naman sa atin may umaasa kaya tayo nagtatrabaho, di ba? So dapat mas pahalagahan natin, mahalin natin ‘yung trabaho natin para hindi mawala ang trabaho sa atin. Mahalin tayo ng trabaho, at the same time, mabigyan tayo ng marami pang trabaho dahil mahusay na tayo sa acting, mahusay pa tayong makisama at matino pa tayong katrabaho,” sey pa ni Ogie.

Related Chika:
Ogie Diaz may hamon kay Baron Geisler: Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Read more...