Charlie Dizon sa mga nangnenega sa relasyon nila ni Carlo Aquino: Masaya kami

Charlie Dizon sa mga nangnenega sa relasyon nila ni Carlo Aquino: Masaya kami

NAGBIGAY pahayag ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon ukol sa mga netizens na patuloy sa pambabatikos sa kanilang relasyon ni Carlo Aquino.

Sa kanyang panayam kay MJ Felipe ay natanong sya ukol sa kanyang reaksyon hinggil sa mga negatibong komento ng mga tao ukol sa kanilang relasyon.

Buhat kasi nang ibandera nina Charlie at Carlo ang kanilang relasyon sa publiko ay umani na ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol.

Marami kasi ang hindi pabor sa relasyon ng dalawa lalo na’t aware naman ang lahat na may anak na ang aktor sa kaniyang dating karelasyon na si Trina Candaza.

Chika ni Charlie, “Those are the things that I can’t control. I only control what I can control, so that’s myself. So ganun lang. At the end of the day, masaya kami eh.

Dagdag pa niya, “So bakit ko pa iisipin yung iba? May work ako. I’m so blessed so mas nagfo-focus ako na ‘Wow! Ang blessed ko ngayon.'”

Baka Bet Mo: Charlie Dizon: ‘Si Carlo ang biggest surprise talaga sa ‘kin! Ngayon ko lang na-experience…ganito pala ang may jowa talaga!’

Natanong naman ni MJ kung ano ang talagang nagustuhan ni Charlie sa kanyang nobyo.

Sey niya, “Siguro yung binibigyan nya ako ng structure sa buhay. Kung alam lang nila kung paano si Carlo talaga.”

Base sa naging sagot ni Charlie, halatang super happy talaga silang dalawa sa relasyon na mayroon silang dalawa ngayon at wala na silang pakialam sa mga sinasabi ng iba sa kanilang relasyon.

Matatandaang July 2023 nang aminin ng dalaga sa isang interview kung ano ang real score sa pagitan nila ni Carlo.

“Opo, boyfriend ko po,” maikling sabi ni Charlie na siyang naging kumpirmasyon na magdyowa sila ni Carlo.

Samantala, last year lang nang mag-celebrate ng 3rd birthday ang kanilang anak ni Trina na si Enola Mithi.

Related Chika:
Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po

Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

Read more...