NAHAHARAP sa panibagong kaso ang controversial drag queen na si Pura Luka Vega o si Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay matapos siyang sampahan ng kasong kriminal na cybercrime ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) nitong Lunes, October 23.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa viral drag perfomance ng drag queen na “Ama Namin” remix na umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.
Isinampa ang naturang reklamo ng KSMBPI laban kay Luka sa pangunguna ni Atty. Leo Alarte sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Kasama umano sa reklamo ang naging paglabag ng drag queen sa Article 133 ng Philippine Constitution, ukol sa “offending religious feelings” pati na rin ang paglabag nito sa Section 6 ng Article 201 of the Revised Penal Code tumutukoy naman sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows” na kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Giit pa ng KSMBPI, isang uri ng “pambabastos sa Panginoon” ang naging performance ng drag queen.
Baka Bet Mo: Drag queen Pura Luka Vega inaresto ng Manila Police, pwedeng magpiyansa sa halagang P72k
Nanindigan ang drag queen na si Pura Luka Vega sa kanyang viral “Ama Namin” drag performance sa kabila ng batikos na natanggap nito sa madlang pipol.
MAKI-CHIKA: https://t.co/4SRK6mLJcj pic.twitter.com/xy3busEruF
— Bandera (@banderaphl) July 14, 2023
Matatandaang kamakailan lang nang arestuhin si Luka noong October 4 sa kanyang tirahan sa Sta. Cruz, Manila kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya ng mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central.
Matatandaang inaresto si Pura ng Manila Police District Station noong Oktubre 4, 2023 sa Sta. Cruz, Manila kaugnay rin ng nasabing “Ama Namin” drag performance.
Ngunit ayon sa drag queen ay wala naman siyang nakuhang notice ukol sa isinampang kaso ng religious group kaya hindi siya nakadadalo sa mga pandinig.
Bukod pa rito, nahaharap rin si Luka sa kasong isinampa ng isa pang religious group na “Philippines for Jesus Movement” sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Samantala, bukod sa mga kasong kriminal na kinakaharap nito ay idineklara naman siyang persona non grata sa halos 20 lugar sa Pilipinas.
Related Chika:
‘Drag Den’ director Rod Singh umalma sa pag-aresto kay Pura Luka Vega, magbubukas ng donation channel para sa pampiyansa
Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’