Nanay ni Ricci may patama sa toxic na relasyon: ‘Walang niloko at walang nanloko, hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana’

Nanay ni Ricci may patama sa toxic na relasyon: 'Walang niloko at walang nanloko, hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana'

PUMALAG na rin ang nanay ni Ricci Rivero laban sa mga taong bumabatikos sa relasyon ng kanyang anak sa dating beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista.

Pagkatapos magpatutsada ng tatay ng binata na si Ruzcko Rivero sa isang taong nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang anak (na pinaniniwalaang si Andrea Brillantes), ang nanay naman ng basketball player ang nagsalita.

Ipinagtanggol din siyempre ni Gng. Abigail Rivero ang pag-amin ni Ricci sa pamamagitan ng Instagram tungkol sa tunay na relasyon nila ni Leren Mae, ilang linggo lamang matapos silang magdenay na sila’y magdyowa.

Kaliwa’t kanang batikos ang natatanggap ngayon ng celebrity couple dahil feeling ng mga netizens, nagsinungaling ang dalawa noong kasagsagan ng kontrobersyal na hiwalayan nina Ricci at Andrea.

Hindi rin nila nagustuhan ang naging paraan ng pag-amin ng basketbolista sa relasyon nila ni Leren na tila may pasaring at pangnenega pa kay Andrea samantalang siya na nga raw ang nanloko sa dalaga.

Baka Bet Mo: Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

 

Sey ni Ricci sa kanyang post, “To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” dagdag ng aktor at cager.

Kasunod nga nito ang cryptic post ng tatay ni Ricci na, “Yun naman ang hindi tutuo. Plus, importante yung maayos na ugali at pag respeto sa minamahal mo at hindi lang pakitang tao para mapag-usapan, yun naman ang sobrang layo at yan ang sigurado ako. (Thumbs up emoji).

“May God bless both of you. We love you and we will always be here praying for you guys. Take care of each other, love each other respect each other and always put God in the center of your relationship,” mensahe pa ng ama ni Ricci.

Sa post naman ng ina ni Ricci na si Abigail, may nabanggit siya tungkol sa isang “toxic” na relasyon.

“’Walang niloko at walang nanloko’ sadyang hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana…Have you ever wondered why some relationships work out while others don’t?

“It can be annoying when you want to be with someone, specially when you know you gave your ALL, but it just doesn’t seem to be working out.

“’God will end a relationship if it’s TOXIC’. If you’re in a toxic environment, you do not need to ‘get used to it for a long time’ or ‘just get over it.’

“God wants you to remove yourself from these situations. God will even help you set up an unthinkable escape… Just learn to LISTEN!” pahayag ni Abigail.

Dugtong pa niya, “The truth is, if it’s meant to be, it will happen. When God wants you with someone, He will make it happen.

“Meanwhile, A healthy relationship is one in which there is oneness of goals, purpose, VALUES & BELIEFS,” sey ni Gng. Abigail.

Paalala at payo pa niya kina Ricci at Leren, “Keep your relationship healthy by LISTENING, talking, accepting, managing conflict, making time for each other and praying together. May Father God almighty bless you both!”

Related Chika:
Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Read more...