Venus Raj naloka sa letter sender na biglang ‘inurungan’ ng nililigawan: ‘I don’t want to be in that position!’
MULING magbibigay inspirasyon at motibasyon ang inaabangang bagong season ng “The Major Major Podcast” ni Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj.
Kaya naman bago mag-umpisa ulit ang show sa darating na Nobyembre, inalala ng beauty queen ang ilan sa mga istorya mula sa nakaraang season na talaga naman tumatak sa kanya.
Isa na riyan ‘yung kwento ng single mom na si Grace na pinaasa ng isang lalaki.
Sa naging ekskusibong panayam ng BANDERA, inamin ni Venus na tila naapektuhan siya sa naging sitwasyon ni Grace, lalo’t kapag iniisip niya ang mga babaeng nakikinig sa kanyang podcast.
Sambit ni Venus, “Actually madaming episodes na magaganda noong first season. Pero siguro ‘yung tumatak na rin – kasi naalala ko ‘yung emotion ko nu’ng binabasa ko ‘yung letter.”
“This letter sender, we call her Grace and ‘yung story niya na parang merong this guy na nag-laydown ng intentions sa kanya and gave her flowers and all that, but then the following day, biglang binawi ng guy and he was like, ‘forget everything I just said,’” kwento niya.
View this post on Instagram
“Of course, as a woman I felt bad for her because I don’t want to be in that position where I thought there’s a possible person who will pursue me, pero uurong din pala siya. Ayaw nating pinapaasa tayo,” dagdag niya.
Paliwanag niya, “I guess that one story really resonated to me because I was thinking of all the other women who are also listening to us.”
Binalikan namin ‘yung ikinuwento ni Venus at ito ay matatagpuan sa Episode 8 na may titulong “Grace and The Guy Who Left Her Hanging.”
Mapapakinggan na nais humingi ng advice ni Grace tungkol sa isang guy na nagustuhan niya sa church.
Ang kwento pa niya, nagtapat sa kanya ‘yung guy sa kanyang nararamdam pero kinabukasan ay binawi niya rin ito.
Sumunod diyan ay nagbigay pa raw ito ng bulaklak sa kanya, ngunit bigla siyang hindi na kinausap nang isang buwan.
Nilinaw ni Grace na hindi siya umaasang magkakatuluyan sila, ang gusto lang daw niyang mangyari ay maging maayos ang friendship nilang dalawa.
Matapos basahin ni Venus ang sulat, napa-react agad siya at sinabing, “Grace alam mo, habang binabasa ko ‘yung letter, sumasakit na ‘yung puso ko at tsaka medyo kumukulo na dugo ko.”
“You deserve to be pursued by the man who will accept you wholeheartedly and will also accept your son. You deserve that and every woman does,” dagdag ng beauty queen.
Sambit pa niya, “Pag-usapan natin ang love problem mo, medyo kanina pa ako affected, Grace.”
“Sa totoo lang, nangyayari talaga ‘to…nasasaktan tayo or minsan nakakasakit tayo because nobody’s perfect,” saad ni Venus.
Ani pa niya, “It was definitely wrong for the guy to express his feelings and tell you the next day to just brush it off.”
“Of course, you deserve clarity. And he should give you that for your own peace of mind. Should you talk to him about it? As mature adults, yes you should,” paliwanag niya.
Sa huli, nagpayo si Venus kaugnay sa naging sitwasyon ni Grace at sa tinutukoy niyang friend.
Advice niya, “True love waits for the right time…so pag hindi pa ready, huwag ipilit. Tandaan niyo ho ‘yun.”
“True love is not about emotions. Kung iisipin natin, sa pagpasok sa relationship, when we say ‘love’ hindi siya basta-basta, hindi siya emosyon. Dahil kapag emosyon lang ang pagbabasehan natin at naubos ‘yung emosyon na ‘yun, paano na? Lalabas na tayo sa relationship na pinasok natin? Hindi siya ganun, it’s a commitment,” patuloy ni Venus.
Lahad pa niya, “There is power in our words. Minsan we just say things loosely or minsan dahil sa bugso ng emosyon natin, nasasabi natin ang mga bagay-bagay pero hindi pala natin napag-iisipan nang maayos.”
“Bago natin ilabas talaga sa bibig natin ang mga bagay na gusto nating sabihin, napag-isipan na natin ‘yun nang ilang beses. And hopefully pag sinabi natin ‘yun dahil we mean it and not because we feel like saying it and afterwards we take it back ang then paano na ‘yung taong pinagsabihin natin ang ‘yung mga taong nakarinig sa sinabi natin. So there’s that responsibility sa lahat ng words na sinasabi natin sa ibang tao,” aniya pa.
Kung maaalala, noong Marso nang unang inilunsad ni Venus ang sariling podcast at ito ay nagtapos noong Hunyo.
Kinilala siyang “Ate Vee” sa show kung saan ang layunin niya ay makinig at makatulong sa mga kabataan na may pinagdadaanang mga isyu at problema sa buhay.
Kaya kung may major, major concerns kayo sa life na tulad ni Grace at gustong humingi ng advice mula kay Ate Vee, magpadala lang kayo ng sulat sa pamamagitan ng email: [email protected]
Ang second season ng “The Major Major Podcast” ay mapapakinggan at mapapanood sa Spotify, Apple Podcast at YouTube simula November 3, tuwing Biyernes, 7 p.m.
Related Chika:
EXCLUSIVE: Venus Raj may mensahe sa beauty queens; Sikreto para maging fit at healthy
EXCLUSIVE: Venus Raj ‘priority’ sa buhay ang paglilingkod sa Diyos, kabataan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.