Jelai Andres kinokontak pa rin ni King Badger, wala nang balak bumalik: Thankful talaga ako kay God na naghiwalay kami

Jelai Andres kinokontak pa rin ni King Badger, wala nang balak bumalik: Thankful talaga ako kay God na naghiwalay kami
INAMIN ng vlogger at komedyanang si Jelai Andres na nagri-reach out pa rin sa kanya ang kanyang estranged husband na si King Badger.

Sa latest vlog ng kanyang kaibigang si Zeinab Harake na pinamagatang “Spill Your Guts” ay nausisa siya patungkol sa dati niyang relasyon.

“Kailan ka huling minessage ng ex mo?” tanong ni Zeinab kay Jelai.

Matapang namang sinabi ng vlogger na nag-message ito sa kanya almost two months ago.

“Sabi niya, ‘Super pinagsisisihan ko sa buong buhay ko ‘yung maling desisyon na ginawa ko. Everyday, pinagpe-pray ko kay God na maging mas better ako hindi para sa ibang tao, para sa ‘yo. Hindi ka mapapalitan ng kahit sino’,” pagbabahagi ni Jelai.

Bagamat walang binanggit na pangalan ay aware naman ang lahat na ang huling relasyon niya ay sa asawang si King Badger o si Jon Gutierrez, isa sa mga miyembro ng Ex Battalion.

Baka Bet Mo: King Badger mahal na mahal pa rin si Jelai Andres: Hindi mapapalitan ang love ko sa kanya

Bilang patunay na totoo ang kanyang sinasabi ay handa pa ang vlogger na ipakita ang screenshot ng mensahe sa kanya ng estranged husband.

Dagdag pa ni Jelai, “Totoo pala ‘yung masusuka kang literal kasi ako, sorry a? Sorry. Sorry talaga pero nangyari kasi to.”

Dito ay ikinuwento ng vlogger na accidentally ay nagkita sila kung saan sinundan daw siya nito at nag-hi sa kanyang tenga.

“Ok naman na ako. Masaya na ako sa totoong buhay talaga. Thankful talaga ako kay God na naghiwalay kami. Sabi ko lang sa kanya [ngumiti nang pilit],” lahad ni Jelai.

Pagpapatuloy pa niya, “Naaalala ko ‘yung ginawa niya. Habang nagda-drive ako, sumusuka ako. Hindi pa ako nagbe-breakfast. Tubig ‘yung sinusuka ko. Totoo pala be na masusuka ka. Nasuka talaga ako literal. Sumuka talaga ako.”

Chika pa ni Jelai, wala na siyang nararamdamang galit sa kanyang estranged husband kahit pa makita niya ito nang personal.

“Kapag nakikita ko siya, ok na. Kasi super thankful ako talaga. ‘Gusto ko pa rin maging successful ka, umayos ‘yung buhay mo’. Dumating na sa ganon,” sey niya.

Noong February 2023 lang nang aminin ni Jon na mahal pa rin niya si Jelai sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon.

Matatandaang taong 2015 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa hanggang sa ikinasal na noong 2018.

Noong 2021 naman nang opisyal na silang naghiwalay at kinasuhan ni Jelai ang estranged husband ng Concubinage at Violence Against Women (And Children) dahil sa kasong pakikiapid na nagkaroon umano ng relasyon ang rapper sa ibang babae.

Related Chika:
Kasong concubinage na isinampa ni Jelai Andres laban kay King Badger umakyat na sa korte

Buboy Villar sinorpresa ni Jelai Andres: Ano to suhol para ma-inlove ako sa ‘yo?

Read more...