Jennica Garcia hindi pansinin ng mga afam, pero ‘mabenta’ sa mga Koreano

Jennica Garcia hindi pansinin ng mga afam, pero ‘mabenta’ sa mga Koreano
PHOTO: Instagram/@jennicagarciaph

NAKAKATUWA ang naging rebelasyon ng aktres na si Jennica Garcia pagdating sa kanyang lovelife.

Napilitang magkwento si Jennica matapos siyang kantiyawan ng mga kasamahan niyang host sa isang episode ng bagong variety show na “It’s Your Lucky Day.”

Nagsimula ito nang humirit ng hugot ang aktres, “Sariling wika ay mahalin, pati ako idamay mo na rin.”

Dahil diyan, natanong tuloy siya ng TV hosts na sina Luis Manzano at Robi Domingo sa update ng kanyang lovelife.

Sey ni Luis, “Sa social media marami akong nakikita na si Jennica ay very talented, napakagandang binibini, napakabait, wala ba talaga diyan na nagpapatibok ng puso mo ngayon?”

Hirit naman ni Robi, “May nanliligaw ba sayo ngayon?”

Bigla namang sumingit ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na tila nagbigay pa ng clue sa mga lumalapit sa aktres.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

“Basta ako, itatawag ko nalang sa pangalang Annyeonghaseyo,” pagbubunyag ni Melai.

Agad naman itong kinontra ni Jennica at sinabing, “Hindi! Ito naman masyadong maano…”

Sagot naman ni Melai, “Alam niyo grabe. Ayoko nalang magsalita. Pero grabe talaga ang pagme-message nila sa isa’t-isa.”

Tila hindi na nga nakapalag si Jennica sa nilantad ni Melai at napilitan na ngang ikwento ang sinasabing manliligaw ng aktres.

“Wala! Hindi ko kayang magsinungaling kaya i-explain ko,” tugon ni Jennica.

“‘Yung sinasabi niya [ni Melai], hindi natuloy. Sa Korea kasi medyo mabenta tayo,” paliwanag niya habang tumatawa. 

Chika pa ng aktres, “Nagulat ako kasi dati pumunta kami sa Poblacion tapos sabi ko, ‘hindi ako pinapansin ng mga AFAM.’ Parang sabi ko, nakakababa ito ng self-esteem.”

“Kaya pagpunta ko sa Korea, nagulat ako, ‘Hala! Dito pala!’ Tapos may nakausap ako,” patuloy niya.

Pero sa kasamaang palad ay inatrasan niya rin ang Koreano dahil hindi daw sila magkaintindihan.

“Kaya lang ang hirap kasi mag-English tapos kailangan ibabarok mo rin ‘yung English. Kaya sabi ko, ‘mukhang sa Pilipino nga hindi kami magkaintindihan, sa Koreano pa,’ kaya wala na talaga,” ani ni Jennica.

Kamakailan lang, inamin ni Jennica na kailangan na niyang mas maging “choosy” pagdating sa pagpili ng magiging karelasyon.

Ayon pa sa kanya, hindi lang basta partner ang kailangan niya, kundi isa ring kaibigan at katuwang sa pagpapamilya.

Related Chika:

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh!

Read more...