6 pang MMFF official entries, inanunsyo na | Bandera

6 pang MMFF official entries, inanunsyo na

Therese Arceo - October 17, 2023 - 04:05 PM

6 pang MMFF official entries, inanunsyo na

INILABAS Na ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang natitirang MMFF official entries para sa annual film festival matapos ang kanilang masinsinang screen at deliberation mula sa isinumiteng 30 finished films.

At sa halip na apat na pelikula ay anim na pelikula ang kanilang napili at siyang kukumpleto sa official MMFF entries ngayong taon.

Ang criteria na pinagbasehan ng MMFF Selection Committee heads na sina Jesse Ejercito, Chair Romando Artes, Atty. Rochelle Ona, at ng spokesperson ng komite na si Noel Ferrer ay base sa criteria na: Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Values (10%) at Global Appeal (10%.)

Narito ang FINAL SIX OFFICIAL MMFF 2023 ENTRIES:

GomBurZa

Iikot ang kwento ukol sa tatlong paring martyr na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote dahil sa maling akusasyon ng sedition and treason noong 1872 starring Enchong Dee, Piolo Pascual, Dante Rivero, at Cedric Juan sa direksyon ni Pepe Diokno produced by Jesuit Communications Foundation Inc.

 

Baka Bet Mo: True ba, Vice Ganda, Coco Martin walang entry sa darating na MMFF 2023?

 

Broken Heart’s Trip

Isang comedy-drama film na iikot sa kwento ng limang LGBTQ individuals na dumaan sa napakaraming kabiguan sa pag-ibig starting Christian Bables at Jaclyn Jose sa direksyon ni Lemuel Lorca produced by Smart Films Productions, OPC in cooperation with BMC Films.

Firefly

Ito ay ukol sa istorya ng mag-inang sina Elay at Tonton na bagamat hirap sa buhay ay masayang pa ring magkasama. Ito ay pagbibidahan i Alessandra de Rossi at Euerbn Mikaell sa direksyon Zig Dulay produced by GMA Pictures.

Mallari

Ito ay partly fictional, partly true to life film inspired sa tunay na kwento ni Fr. Juan Severino Mallari, isang parish priest noong 1800s na pumatay ng 57 katao bago mahuli. Siya rin ang naiulat una at natatanging Filipino serial killer. Pagbibidahan ito ni Piolo Pascual at Janella Salvador sa direksyon ni Derick Cabrido produced by Mentorque Productions.

When I Met You In Tokyo

Isang romance story na iikot sa unconditional love ng Filipino elderly couple sa Japan. Ito ay pagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa direksyon nina Conrado Peru at Rommel Peneza produced byJG Productions.

Becky & Badette

Isang comedy film na pagbibidahan nina Eugene Domingo at Pokwang na mag-bestfriend mula pa noong high school. Sesentro ang istorya ukol sa kanilang malalim na pagkakaibigan at ang mga pagdaraanang hirap sa buhay at pag-ibig. Ito ay produced by The IdeaFirst Company at Octoberian Films sa direksyon ni Jun Lana.

Sampung film entries ang maglalaban-laban sa MMFF 2023 ngayong Disyembre.

Una nang inanunsyo ang apat pang pelikula na “A Mother’s Son Story”, “(K)Ampon”, “Penduko”, at “Rewind”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Summer MMFF 2023 entry na ‘Single Bells’ planong iboykot ng mga galit na galit kina Aljur at Alex, Angeline nadamay

Sharon-Alden, DongYan, Beauty-Derek, Cristine-Matteo bakbakan sa 2023 MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending